CHAPTER 43: Alliance

2.3K 106 12
                                    


ASTRIA POV

Pago na pagod akong umuwi sa dorm, nakikipaghabulan lang naman ako sa tatlo, panay ilag ko sa mga patalim nila. Kung hindi ko ginawa yun edi baka namatay na ako ngayon.

Punong-puno ng tawanan ang battle room kanina kesyo arogante raw ako, ang lakas mag hamon pero duwag lang naman pala. Aaminin kong malalakas sila, napakabilis ng kilos nila pero hindi naman ako nagulat, dahil may taong kayang-kaya yun lampasan at hindi ko sasabihin kung sino, hulaan niyo nalang! Tinatamad ako eh.

Saktong alas otso na ako  nakauwi dahil pinalinis ba naman ako ng buong room, pinag lampaso, tapon ng basura and all?! Sa madaling salita ginawa nila akong janitress. Panay asar pa ang matamo ko sa kanila habang pinupuri nila si Trisha o kilala bilang queen nila lang, sa kagalingan nitong makipag laban.

Sa huli kase ay ako ang sumuko, hingal na hingal ako at nakuha ko na ang gusto kong mangyare... Alam niyo na yun, ang magpapawis.

Araw na ng sabado bukas, pangalawang sabado sa buwan ng sityembre. May naririnig akong may magaganap daw bukas, ika nila 'MOST AWAITED EVENT ' daw na postponed raw kase ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyare dahil hindi ko na pinatapos wala naman akong pakialam doon eh.

Tamang higa lang ang ginagawa ko ngayon, ginawa kong unan ang mga braso tapos naka cross ang legs habang nakatingin sa kisame, wala naman akong pweding puntahan at hindi pa ako inaantok.

'Butiki!!'

Nanlaki ang mata  ko nang makita ang butiki, napaka kati talaga ng nga paa niya hanggang dito ba naman sinusundan ako ng mga animal?! Pating ang gusto kong humabol sa akin mas malaki mas masaya.

"Hoy what the fuck are you doing here?" Sighal ko sa butiki.

'Anak ng.... Hindi ba naman sumasagot'

"I'll give you 5 seconds to speak or else I will arrest you for invading my room."

Aba may dumagdag pang isa bale dalawa na sila ngayon, naiinis na talaga ako sa hindi niya pagsagot, may dala pang asawa?! Nagsimula na akong magbilang. matapos ang limang segundo tumayo ako.

Ayaw niya talaga sumagot eh! Snob ang putek! Tumalon ako ng mataas mula sa kama at tsaka inabot ang buntot ng butiki, talon ulit at inabot ang isa pa asawa niya siguro.

"Gotcha!" Tumalon ako sa kama na parang baliw dahil nahuli sila.

"Huleee kayooo, ngayon bitayin ko kayo!"

Singhal ko sa mga mukha nila, pinitik ko ng lima ang kanilang bibig, nakakainis kase na may bibig pero hindi nagsasalita. Hinawakan ko ang buntot ng mga butiki at tsaka binitay patiwarik.

Nagsimula akong maghanap ng pweding gawing pantali sa closet pero wala din, halos mawalan ako ng pag-asa kaso nakita ko ang sintas ng mga sapatos kaya kumuha ako ng isa at imumpisahan silang itali sa gitna ng kanilang mga katawan.

"Edi para kayong nag dadate. Ang ganda pa ng shoelace ah?!"

"Anak ng.... Hindi pa pala ako kumain!"

Nagrereklamo na ang isang madam which is ang tiyan ko hindi nga ako nagreklamo ang kapal naman ng bilbil niya!

Humarap ako sa salamin upang tignan ang buong katawan at muka ko kung okay lang ba. Nakasuot ako ng silky night dress na kulay maroon na hindi bababa sa tuhod, nagsuot ako ng tsinelas at saka kinuha ang maliit na wallet mabuti nalang at tumatanggap sila ng cards rito. Lumabas ako sa kwarto kasama ang mga butiki sa bulsa ng night dress, nakapaghugas na ako ng kamay kaniya nag alcohol pa kaya wag kayong mandiri!

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon