Chapter 15: Visiting Porchia

3K 133 0
                                    

Chapter 15

Astria Point of you

1 month later

Isang buwan na rin mula ng nakausap at nakasama ko si Vinzelle sa clinic noong nahimatay ako. Ilang taon kong hindi naranasang mag collapsed, hindi naman kase ako madaling mahimatay. Nagtataka nga ako kung bakit nanyare to noong nakaraang buwan.

Araw ng linggo ngayon at katatapos ko lang maglaba. Wala naman akong gagawin ngayon. Madalas ko ding nakikita si master Raphael sa paaralan, may pagkakataon minsan na bigla nalang nila akong hinihila sa tagong lugar at doon sasaktan. Hindi pa din naman ako lumalaban sa kabila ng lahat ay rinerespeto ko pa din siya dahil ilang taon ko din siyang binabantayan. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. 23 yeard old na siya at kasalukuyang second year college. Aside from being a mafia prince ay gusto niya maging isang enhenyero.

Pumunta ako sa garahe. Napangiwi ako nang makita ang aking minamahal na yamaha earox s na madumi. Hindi naman masyadong kamahalan to pero okay naman ang mukha niya.

Habang nililinis ko ang aking motor ay naiisapan kong bumili ng bike para naman may gagamitin ako pang stroll.
Binilisan kong maglinis at nagbihis.

Isang simpleng light violet na sando at isang itim na jagger pants. Mainit kase ang panahon kaya ito ang naisipan kong suotin. Ala-una pa lang kase ng hapon.

Naisipan kong mag commute nalang mas makakatipid pa ako kesa mag dala ng sasakyan, mahal gas ngayon mga brad ee.

Naglakad ako palabas ng village at nag bantay ng pweding masasakyan. Hindi ko alam kung marami bang dumadaan na jeep o taxi dito, hindi ko pa kase naranasang mag commute mula dito.

Ilang minutong lumipas may nakita na din akong papalapit na jeep. Kaya agad ko naman itong pinara.

Sa kabutihang palad ay humindo ito,

"Pasensya na miss ganda, puno na ang upuan sa loob eh." Ani ng kundoktor.

Nakita kong walang nakasabit sa likuran ng jeep kaya baka pwede ako doon.

"Doon ba pwede akong makisakay?" Nagulat naman siya

"Sa ganda mong yan miss, dun ka talaga sasakay? Sige ikaw nalang dito. Ako na roon" nakaupo siya katabi ng driver at ng akmang tatayo na siya ay pinigilan ko.

"Ako na doon brad. Nag-aantay na ang mga pasahero niyo." Ani ko.

Nag-aalangan man ay sumunod nalang siya saken. Wala din naman siyang magagawa kase sumabit na ako.

Nakipag palit pa ang ibang kalalakihan sa akin na nakaupo sa loob pero gaya kanina ay hindi ko tinanggap. Nauna silang pasahero kesa sa akin kaya hindi ko hahayaan na mag adjust sila para sa akin kahit na sabihin pang babae ako.

"Heto bayad ko" inabot ko ang isang daan ko, wala akong ibang pera na mas mababa rito.

"Miss sukli mo po."

"Sayo na yan." Sagot ko sa konduktor at naglakad.

Pumasok na ako sa loob ng mall, habang naglalakad ay ramdam kong ang titig ng iba saakin. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa bike section ngunit agad rin namang nabaling tingin ko sa dalawang taong pamilyar.

'Misty at Leo?'

Agad na dinala ako ng mga paa ko sa boutique kung saan sila pumasok.
I keep my distance away from them alam kung may kakaiba sa kanila. Naka tayo si Leo habang may hawak na paper bags at panay hampas naman ang babae sa kanyang braso.
Mas lumapit ako sa kanila.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon