CHAPTER 33: The beginning

2.4K 111 3
                                    


Astria POV

Ilang araw na ang lumipas at masasabi ko talagang napakabwesit kasama ang Zachary na yun! Sa tuwing kasama ko siya ay kusang nagsisitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko.

Sa tuwing lalapit siya ay agad akong umiiwas at lalayo, medyo kabisado ko na ang mga kamanyakang galawan niya, magugulat nalang akong lumapat na pala ang nakakadiri niyang labi sa parte ng mukha ko.

Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa niya? No one did that shit before. Kaya hindi ko masisisi ang katawan ko kung minsan ay naninigas ako sa kinatatayuan. Kahapon nga ay nakipagpalit ako ng upuan kay William sa kasamaang palad ay akma palang akong uupo sa silya niya ng isang beses lang tumikhim ang animal na Vinzelle mabilis pa sa alas kwartong bumalik sa silya niya kaya napabalik nalang din ako.

'Ano kayang meron sa lalaking animal na yun kung bakit ganun nalang ang takot sa kanya?! Hmpp! Bida bida ang putek!'

Sa pang huling klase muli kong sinubukang makipag palit kay Elaine na nasa harapan sobrang saya siya samantalang halos patayin ako ni Vinzelle gamit ang kanyang matatalim na tingin, hindi ko alam kung kakambal ko ba ang kamalasan ngunit nang pumasok ang professor ay pinabalik na naman ako sa pesteng upuan ko, gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ng animal.

Napapa-isip na talaga ako na mag shift ng schedule sa gabi or ng course,matapos ang pang huling klase ay sinubukan kong pumunta sa registrar office para sabihing papalitan ko ang schedule ko, ayaw pa nga pumayag ngunit pinilit ko ng pinilit. Hindi pa niya nauumpisahang hanapin ang files ko sa computer nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan at iniluwa doon ang punyeta.

Nanlilisik ang mata kong nakatingin sa kanya, hindi ko alam kung pinaglalaruan ba niya ako kase gusto niya na naman raw mag change schedule kagaya ng sa akin. Halos pumutok na ang ugat sa buong katawan ko sa sobrang inis sa kanya.
Kalaunan ay humingi ako ng paumanhin sa registrar officer, hindi ko na itinuloy wala din namang kwenta kung kahit saan ay susundan niya pa din ako.

Hindi niya na ako pinapagawa ng mga schools activity or requirement  niya, nagugulat nalang nga ako ng pati ako ay may mga activity or mga assignment na, yong mga ginawa ko ay hindi ko napapasa kase naman baka magtaka ang mga professors ko na dala-dalawa ang papel at magkaiba ang sagot ko. Matataas din ang scores na nakukuha ko dahil sa kanya, madalas ay perfect kaming pareho, pangisi-ngisi lang siya.

Paulit-ulit ko siyang pinapatay sa aking isipan, maya-maya ay nakikita ko din ang kanyang mukha na nag pa-flash sa utak ko.

Inilabas ko ang bike, sabado nga pala ng umaga ngayon at mamaya magaganap ang inaantay ng mga studyante sa Laurent University na acquaintance party chuchu daw kuno.

Nagsuot lang ako ng black Sweater short at black sports bra para mag cycling, I need to excercise my body. I tied my hair in a pony tail before went downstairs. Iginiya ko palabas ng gate ang aking bisikleta at nagsuot ng helmet.

I really want to ride a bicycle it helps my legs to be firm. You have to keep moving in order keep your balance. Pinadyak ko ang pedal at nagsimula na akong umalis sa bahay. Wala naman akong ibang gagawin ngayon at lalong hindi ako aattend sa acquaintance party, ayaw ko kase makipag socialize sa iba.

Tahimik at malamig ang paligid, tinahak ko ang daan palabas sa village namin. Unti-unti ng nagkakaroon ng mga tao, umalis ako kanina bandang alas singko ng umaga pa lang.

Nakapasarap langhapin ang simoy ng hangin, feeling ko nga lumilipad na ako eh. Sometimes I used to think being a butterfly, napakasarap siguro na lumilipad ka lang.

Ilang minuto akong paikot-ikot sa parang minipark, humahanga ako sa mga dahong kulay berde, napakasarap pagmasdan.

Huminto ako sa isang malaking puno upang magpahinga, pawis na pawis na ang aking likod, umupo ako sa puno gustuhin ko mang umakyat sa mga sanga nito ay hindi maaari, baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa akin.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon