Vinzelle Blake POVLumabas ako para bumili ng makakain baka maya maya ay gigising na siya hindi ako sigurado pero mabuti ng may naka handa ng pagkain.
Pinarada ko ang sasakyan malapit sa isang restaurant.
"Ang swerte naman natin at may gwapong nilalang na pumasok ditoo, gooosh!"
"Wag ka ngang maingay!Napaka lakas ng boses mo baka marinig tayo!"
"Ay malakas ba? Hehe! Sorry naman hindi talaga mapigilan eh."
rinig kong mga bulungan ng mga kababaihan sa loob ng restaurant na ito.
"Good evening sir. Can I get your order? Dine in or take out?" bati ng isang crew at sabay tanong.
Sinabi ko na ang orders ko pagkatapos ng ilang minuto ay binigay niya niya.
"Thank you sir. Come again" tumalikod nalang ako at hindi na pinansin ang nagsalita.
Tuluyan akong lumabas at pumunta sa sasakyan.
Akmang sasakay na sana ako ng may nakita akong isang convenience store sa hindi kalayuan.
Naglakad ako papunta dun at pumasok.
Agad akong binati ng mga trabahante, gaya ng madalas kong ginagawa ay hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa pag lakad.
Ang unang kumuha ng atensyon ko ay ang mga lollipop na nakahelira.
'Hmmm'
Kumuha ako ng isang supot nito at inikot ang mata naghahanap ng pwedi pang bilhin. Kumuha ako ng apat na sterilized milk at coffee sinamahan ko na din ng chips baka sakaling gusto niyang kumain nito.
Pumunta agad ako sa counter para mag bayad.
Hindi naman matagal ang paghihintay ko at agad nilang binigay sa akin sabay alis sa lugar na yun.
__
Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ni Zeyn kanina sa akin.
'Bakit nga ba?'
Hindi ko maintindihan ang kinikilos ko simula ng dumating siya sa buhay ko, bigla nalang naging weirdo ang lahat.
Naglakad akong tulala patungo sa kwarto ni Astria.
Ngunit ng mabuksan ko ang pintuan,nagulat ako ng wala akong nadatnang Astria na nakahiga sa kama.
'Sandali lang akong umalis, pagbalik ko wala na siya?'
Lumabas ako at nag tanong sa mga taong nasa labas.
"Excuse me, may nakita ba kayong babaeng may mga pasa sa mukha? Medyo may katangkaran at medy----
"Ah eh, kanina pa siya lumabas parang papunta siya sa direksyon na yun." tinuro niya ang direksyon kung saan pumunta si Astria.
"Thanks." tipid na wika ko at nagmadaling tinahak ang direksyon.
Bumaba ako at pumunta sa may upuan sa labas ng hospital, nasa ground floor lang naman ang kwarto niya kaya madali lang siyang maka labas na walang alalay.
Malayo pa lang may natanaw na akong isang babaeng nakaupo mag-isa na nakahawak sa batok ang dalawang kamay.
Naglakad ako sa direksyon niya "A peny for your thoughts?" bungad ko sa kanya ngunit hindi siya tumingin o sumagot man lang.
Umupo ako katabi niya at tahimik lang na pinagmasdan ang iba pang mga tao na nandito.
"I know you haven't eat yet, I brought you foods, kumain ka muna." sinabi ko habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPER
VampireThis is a story of two different person came from different worlds, a world of vampire and a world of mafia. Both colds personalities and extra ordinary persons. Vinzelle Blake Zachary a royal blood vampire who helped Astria Victoria Zunis without h...