CHAPTER 45: mysterious

2.3K 104 9
                                    


RAPHAEL MONTARIO POV

1 MONTH LATER

"Give me that Raphael!" pilit ni Astria inaagaw ang lollipop sa kamay ko.

"Why are you still eating this? This is cheap Astria and for kids only!" pili ko pa ding tinaataas ang kamay sa ere.

"Anak ng tukmol ka! Ibibigay mo o bibigwa----

"Fine! Napaka-isip bata mo talaga." Inabot ko sa kanya ang lollipop dahil mukhang papatayin na ako sa tingin.

"Kung gusto mong kumain sabihin mo lang dahil bibigyan din naman kita!" inirapan niya ako. Anak ng.... Ang suplada!

"Paano mo ako bibigyan eh nag-iisa lang yan?! Saan napunta ang utak mo?!"

"Pwede namang salitan eh problema ba yan?! Bulok na ba utak mong tukmol ka?!"

"Napaka sungit mo tala---

"You're blocking the way." gulat kaming napalingon sa likuran nang makita si Zachary kasama ang nobya at ang dalawang kaibigan. Nasa bandang pintuan kase kami nag-aagawan ng lollipop.

"Let's get inside tuks!" nauna siyang pumasok sa room.

'Anong tuks?!'

"Hoy anong tuks?! Ano yan?!" hinabol ko siya at binatukan.

"Anak ng?! Tukmol yun TUKMOL!!" sarkastikong sagot na naman niya.

"Iniinis mo talaga ako Zunis!"

"Edi mainis ka Montari--

"SHUT THE FUCK UP!!!!!!!!"

Natigil ang bangayan namin ni Astria ng sumigaw ang totoong tukmol. Natahimik si Astria pero bahagya niya pa din inapakan ang paa ko sa ilalim ng mesa.

"Umayos ka tukmol! Huwag kang gagawa ng kayabangan, maawa ka naman sa katawan ko!" Mahinang bulong ni Astria sa akin, kaya napatawa ako. Nakakatawa naman kase ang tono ng pananalita niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA WHAT DID YOU JUST SAY? HAHAHAHAHAHAHA!" napalakas ang halakhak ko habang nakahawak sa tiyan ang kamay.

"Omoooooo he's really adorable specially when he is laughing." dinig kong sabi ng isang kaklase namin, ang iba naman ay patagong kinikilig.

"MONTARIO!" Bakas sa mukha ni Astria ang pagkainis. Pinigilan ko nalang ang tawa ko saka sumubsob sa table.

Maya-maya pa ay pumasok ang professor, isang buwan na din akong nandito at wala akong natutunan kahit na isa. Sa loob ng isang buwan ay pinilit kong isuksok sa utak ko na totoo ang mga bampira, hindi ako makapaniwala noong una.

'Ikaw kaya rito? Tignan natin kung hindi ka tatakbo!'

Nagulat nalang ako na isang araw nasa loob na ako ng lugar na to. Halos mag wala ako ng hindi ko makita si Astria sa tabi ko. Tatlong araw siyang namalagi sa clinic, binantayan ko siya doon at sinet-aside ko lahat ng takot sa mga nandito. Kahit na makasalanan ako walang sawa akong nagdasal para sa mas mabilis na pag galing niya.

Binibisita din siya ni Zachary kasama ang kanyang kaibigan pero hindi ko siya kailan man hinayaang makahawak kay Astria. He is more than a demon.

Sa loob ng tatlong araw sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyare sa kanya, ako dapat yun, para sa akin at yon sana ang papatay sa akin pero parang tumigil ang mundo ko ng ginawa niyang pananggalang ang sarili para ma protektahan ako. Hindi ako nagulat sa sobrang bilis niyang kumilos, ganun na talaga siya ultimong posisyon ko ay alam na alam kahit na nakapiring ang mata.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon