CHAPTER 35: People come and go for a purpose

2.4K 121 6
                                    


Astria Pov

Alas kwatro na ng hapon at mamayang alas syete mag uumpisa ang acquaintance party, nasa isang gown shop ako ngayon naghahanap ng pweding maisusuot.

Kanina pa ako ikot ng ikot dito pero ni isa ay wala akong nagustuhan. Wala naman kase akong kamalay-malay pagdating dito. Dati naman sa mga prom namin ay hindi ako kailan man dumalo sa mga ito marahil ay busy ako sa buhay bilang reaper.

Sa kabila ng pag-iisip ko may nakita akong nag iisang gown na naka suot sa isang mannequin, isa siyang color peach na may naka engraved na mga bulaklak. Siguro pwedi na to.

"Excuse me pwede ko ba itong maisukat?" lumapit agad ang isa sa mga sales lady sa shop.

"Yes ma'am. This way to the fitting room." Iginiya niya ako sa fitting room dala dala ang gown na tinutukoy ko sa kanya.

"Please call me if you want me to assist you." Magalang na ani niya.

Hinubad ko ang suot ko at saka inumpisahang isukat ang gown, hirap na hirap ako dahil para itong pang nga fasionista , basta ang sabi ay formal attire, pwede na to bahala sila.

"Can you zip it up?" sumilay ako sa likod ng pintuan, tukoy ko ang na isarado ang zipper ng damit sa likod ko.

Matapos niyang maisara, nagtaka ako sa expression ng kanyang mukha.

"You look great wearing this ma'am, it's not a joke swear.!" Natawa ako ng bahagya nang makita ang kabuuhan sa salamin.

'Wala namang pinagbago! Pinagloloko ako nito eh!'

"I'll get this one please." Binigay ko sa kanya ang dress matapos ko itong sinukat.

Binibit niya ito at saka pumunta sa counter. "P16,450 ma'am." Napangiwi ako sa pwesyo niya. Hindi naman masyadong mahal pero sa isang simpleng dress ganon na agad ang presyo?!

Bumunot ako ng isa sa mga card ko at tsaka binigay sa kanya. Malamig kong tinignan ang shopping bag na pinaglagyan nila. 'Ang gastos naman nito!'

Nagpasalamat sila kaya naman lumabas na ako at pumasok na naman sa isang footwear's shop. Maraming magagandang sapatos ang nakita ng aking mata, may ibang kumikinang pa malamang mahal na naman ito. Hindi ko naman kailangan ng masyadong mahal or maganda ang importante ay may maisusuot.

"This one cost more than 100 thousand baby, it is okay with you?" Isang pamilyar na tinig ang aking narinig sa hindi kalayuan...

Hindi na ako lumingon sa gawi nila dahil nakakasigurado ako kung sino ang kasama niya. Napaka walang hiya niya naman para gawing taga bayad ng mga pinamili ay kaartehan niya pala.

"Anything for you baby" Hindi nga ako nagkamali... Nanatili akong nakatalikod sa direksyon nila, tahimik na nakikinig sa mga pinag-uusapan nila baka maman may masama pala silang binabalak mamaya.

"Okay babayaran ko na to ah? Give me your card hihi.'

Narinig ko ang mga yabag ng dalawa papalayo sa akin, doon ko lang sila pinagmasdan, 'napakawalang hiya!'

Paano naman kayang hindi to nahalata ni Raphael? Niloloko na siya ng babaeng kinababaliwan niya, hindi niya pa din alam?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tsaka medyo lumapit sa kanila. Kinuhanan ko sila ng litrato sa anggulong hindi na sila makakapagtanggi na sila talaga ito.

Zinoom-in ko ang litrato sabay na gumuhit ang ngisi sa aking mga labi. Nag bukas ako ng social media account at gumawa ng isang dummy account sa facebook sabay send ng litrato sa account ni Raphael. Hindi ko alam kung makikita niya to at least para naman magkaroon siya ng ideya na isang taksil ang iniibig niya.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon