Astria POVMinulat ko ang ang aking mga mata, medyo inaantok pa ako kase madaling araw na nakapagpahinga. Nagising akong nakahiga sa sarili kong kama at alam kong binuhat ako ni Vinzelle para mahiga rito, hinayaan ko lang siya ramdam ko naman kasing wala siyang gagawing masama sa akin.
Tumayo ako at tinupi ang kumot. Napakamot ako sa ulo nang maalalang narito ang dalawa sa pamamahay ko kagabi. Pumasok ako sa banyo at saka nag hilamos baka makita ako ng dalawa na mas pangit pa sa kanila.
Dali-dali akong bumaba sa sala ngunit wala akong nakitang bakas ng anino nila, pumunta ako sa kusina kukuha na sana ako ng tubig sa ref nang may napansin akong naka dikit na note dito.
"I cooked foods for your breakfast..please eat first before you go to university. Eat well!" Kumunot ang noo ko hindi ko alam kung kanino to at sino ang nagluto sa dalawa kaya, hinablot ko ang note at tsaka tinapon sa basurahan.
Sigurado akong wala ng ibang taong narito, umupo ako sa lamesa at binuksan ang mga nakahaing pagkain dito.
Fried egg, sausage, at toasted bread? Hmmm mukhang masarap naman, kumuha ako at nag-umpisang kumain.
Naalala ko ang nangyari kagabi. Ngayong alam ko na kung saan ang lungga ng mga Servero mauumpisahan ko na ang hakbang para mahuli ang mga katarantaduhang ginawa nila sa akin at sa mga Montario.
Simula noong inilipat si Porchia sa mansion ay hindi na ako nakapagbisita sa kanila, hindi naman ako pweding pumunta roon alam kong nasa ligtas siya kaya mas mabuti na hindi na ako manggugulo sa buhay nila.
Pero hindi sila dapat makampante considering the fucking fact na may traydor sa loob ng mansion na libreng nakakapasok at labas.
"Gagong hayop yun! Kung alam ko lang noong una pa ang pakay niya malamang nauna ko na siyang pinatay!" Nawalan ako ng ganang kumain, nilinis ko ang lamesa at hinugasan ang pinagkainan.
Umakyat ako sa taas para maligo, mag handa para pumasok sa university.
Simple lang ang suot ko ngayong araw isang color yellow with combination of black dress, medyo hapit sa katawan ko with matching 2 inch black heels.
Nilugay ko lang ang aking mahabang buhok, hindi ko alam kung bakit ganito ang napili kong isuot ngayon araw.
'Trip ko lang!'
Nang maikita ang kabuuhan ko sa salamin ay kinuha ko ang sling bag na itim at bumaba na. Pumunta ako sa garahe, binuksan ko ang pintuan sa driver seat, hindi pwedeng mag motor ako sa suot ko ngayon.
"Beep!"
Bumusina ako sa nakabantay na guard noong pinagbuksan ako ng gate sa village namin.
Kinuha ko ang cellphone sa dashboard mabuti nalang at dala ko ito ngayong araw. Sandali ko itong chinarge kanina.
Hindi ko mapigilang mapangisi nang nag overtake ako sa isang sasakyang kasing bagal ng pagong kung magpatakbo.
Inip na inip akong nag adjust sa kanya kanina, hindi ko na kinaya kaya nag overtake nalang ako at pinaharurot ang sasakyan ng mabilis.
Nasa labas pa lang ng gate kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ng mga studyante at mga professors habang nakatitig sa sasakyan ko.
Napailing ako, hindi ko ugaling magyabang kong anong meron ako, hindi rin ako isang taong naiingit sa mga bagay na mayroon ang iba.
I appreciate kung anong meron ako at sapat na sa akin kung anong mayroon ako. Mayroon nga akong ganitong sasakyan ngunit hindi basta-basta ang pinagdaanan ko. Ito lang ang unang beses kong ginamit to papasok sa skwela.
BINABASA MO ANG
ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPER
VampireThis is a story of two different person came from different worlds, a world of vampire and a world of mafia. Both colds personalities and extra ordinary persons. Vinzelle Blake Zachary a royal blood vampire who helped Astria Victoria Zunis without h...