CHAPTER 40: ABDUCTED

2.2K 114 0
                                    


ASTRIA POINT OF VIEW

Sumakay ako sa sariling motor, nakasunod sa sasakyan ng mga Montario. Iniwan si Porchia sa mansion kasama ang maraming armadong tauhan, unti-unti na ding nagkakaroon ng kaalaman ang bata tungkol sa mafia na kung saan ay kabilang ang kaniyang pamilya, inuunti-unti lamang para hindi siya mabigla, hindi naman kase habang buhay na matatago nila yun.

Nasa pinaka gitna kami, may dalawang sasakyan ang nasa unahan sumunod ang mag-ama, ako at ang tatlo pang nasa likuran. Palapit na kami ng palapit sa underground hide out ng lahat ng mafia, kung inaakala mo masaya dito eh masaya naman dahil puro patayan ang nagaganap. Walang ordinaryong tao ang napapadpad doon. Bantay sarado ang lugar kaya malayo ka pa lang hindi na ako magtataka na nakabulagta kana.

Naramdaman ko na ang simoy ng hangin sa aking balat marahil ay gabi na, alas otso kaming umalis sa mansion. Nag set pa ng gathering si Sir. Montario para ipaalam ang pag-alis ko sa mafia, para na din linisin ang pangalan ko. Alam kase nila na tiniwalag ako dahil tumaraydor. Sinabi kong huwag na kase sayang ang oras nila pero iginiit niyang gusto niyang malinis ang nadungisan kong pangalan kaya wala akong nagawa.

Nagtataka ba kayo kung bakit naka motor lang ako? Malamang para naman iwas awkwardness, tsaka alangan namang babalik pa ako doon? Okay na to para diretso sa bahay.

Narating namin ang bukana ng underground, napakalawak nito, nandito din ginaganap ang lahat ng mga okasyon patunggol sa mafia, may casino, bar, battle ground at marami pang iba. Bago ko pa makalimutan dito rin nagaganap ang parusa sa mga traydor at mga hindi patas na organization.

Bumaba kaming lahat sa sariling mga sasakyan, sinalubong kami ng maraming tao at tsaka sila yumuko upang magbigay galang sa nakakataas. Sinenyasan niya na itaas ang kanilang mga paningin. Kita ko sa gilid ng aking mata ang mga nakakalokong ngiti na gumuhit sa mga labi ng iba. Parang diring-diri sila sa akin dahil nga 'TRAYDOR NGA RAW KUNO AKO'

To be fair I look at them and show them my killer smirk. They look away in creeps, ang lakas maka tingin ng masama na parang papatayin na ako tapos kung gawin ko yun pabalik matatakot din pala?! Napatawa ako sa aking isipan.

"It's been a months since the last time I saw you Tria. How are you?" Bungad sa akin ng isa sa mga malakas at mataas na tao sa mafia.

"Nothing changed sir. I'm more than okay than alright." mayabang kong sagot gamit ang nakakamatay kong tono.

"I see, nice to meet you again."

"Likewise sir." Pumunta siya sa gawi ni sir Montario matapos magpaalam.sa akin.

Tinanguhan ko siya sama lumihis ng daan papunta sa mga kulungan ng mga nagkakasala at lumabag sa batas.
Hindi ito ang unang beses kong pag pasok dito, madalas akong pinapadala para paslangin ang mga ayaw talaga magsalita.

Kilala ako ng mga nakabantay, kahit na alam nila ang nangyare sa akin binuksan at hinayaan pa din nila ako, hindi naman ako makakatapak dito kung hindi dahil sa mga Montario.

Tumango ako nang bumati sila, nagpatuloy ako sa paglalakad, hinanap ko ang silda ng mga traydor. Nang makita ko kung saan nasa loob si Leo walang alin-langang pumasok ako.

Madilim at hindi kaaya aya ang amoy ng kanyang silid, alam kong may ilaw pero mas pinili kong huwag paandarin ito. Walang armas ang bawat taong nasa loob ng silda, naramdaman kong may sumakal sa akin, pinabayaan ko nalang kaysa namang mas masaktan ko pa siya.

"You're a fucking bullshit Astria!!!" Mas diniinan niya ang pagsakal, napaubo naman ako ng mahina.

"Don't blame me because you're here, I told you before that we Will discover who is the real fake, traitor. Huwag mo akong sisihin sa mga nangyari sa iyo. Ito ang ginusto niyong gawin, ginusto mo din namang sirain ang mafia na alam mong kahit kelan ay walang makakagawa noon. Isa kang hangal dahil nagawa mo yun. I also told you before, your insecurities will surely kill you." Pansamantala akong tumigil at saka tumingin sa kanyang mga mata, bakas ang galit dito. Bakas din ang mukha niyang may mga pasa.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon