CHAPTER 31: Jealous

2.6K 121 11
                                    


Astria POV

Pinigilan ko ang matinding kabog sa aking dibdib. Kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan dahil ito ang unang beses na nangyare sa akin.

Hindi nga ako nakaramdam ng mahinang kabog sa dibdib habang nakikipag patayan ako in order to survive noon eh. Bakit sa ganito nangyare?!

Napakaweirdo talaga, hindi ko kayang tumingin sa mukha ng animal na to. Hindi ko talaga naramdaman ang ganitong katinding pagkailang sa buong buhay ko.

Ngayon pa talaga at sa lalaking ito pa?! Ano bang meron sa kanya?!

Napako ang tingin ko sa professor at sa studyanteng nasa likuran nito na may dala-dalang gitara.

'Aanhin naman niya ang gitara? Ipupukpok sa ulo niya?!'

"Stand up everyone."

Tamad akong tumayo at bumati sa kanya. Sinenyasan niya naman kaming maupo na kaya walang pa tumpik tumpik na umupo naman ako.

"Since understanding the self naman tong subject natin, I will give you a task, isang simpleng task lang ito, bibigyan ko kayo ng hard copy, mukha itong puzzle pieces, you have to guess it right and after that, you will create a unique way if how you will going to describe it." sandali siyang tumigil at parang lumunok ng laway.

"Sa task na ito masusubok ang kakayahan niyong mabilis makapag-isip. Now choose your group, apat lang sa isang group naintindihan niyo? Ang unang makahula at maka describe ng nasa puzzle ay automatic na pasa sa first term examination."

Hindi ko alam kung sinong ka groupmates ko, wala naman akong ibang ka close dito.

"No need to find your group... We are your groupmates."

Tatayo na sana ako para magpaalam kung pweding ako lang mag-isa ngunit agad na nagsalita si Vinzelle.

"Oonga Ast! Wag ka ng maghanap ng iba nandito naman kami." ani Zeyn.

Wala akong choice kung hindi ang manatili sa upuan.

"Choose your leaders and come infront." wika ng professor.

Tumaas ang kilay ko nang makita ang tatlo na nakatingin sa akin na parang sinasabing pumunta na ako sa harap.

"Go on Astria." Nakangiti sabay tapik sa balikat ko si Zeyn.

Tumayo ako at naglakad patungo sa harapan. Magandang offer din maging exempted sa first term exam.

Binigyan kami ng isang envelope ng professor at bumalik na sa upuan.

"To make things clear class, naglalaman ng puzzle pieces ang nasa loob ng envelope na binigay ko sa mga leaders ninyo. Magtulungan kayo para mabuo yan at mag-isip ng kakaibang paraan upang ma describe niyo ang binigay ko sa inyo. Isang representative lang ang pweding pumunta dito para hindi masyadong magulo. Naintindihan ninyo?"

"Yes prof."

"Okay good. Bilisan ninyo kung gusto niyong maging exempted. Isang group lang ang papayagan ko.Your time starts now."

Pagkasabi nya nun ay agad naming binuksan ang envelope at nilapag sa sahig, mabilis ang aming mga kamay sa pagbuo ng puzzle halagang gusto nilang maging exempted sa exam.

"Inhinyero." Hindi pa man nabuo, alam kong litrato ng isang engineer yun, basi sa suot at parang nasa isang construction site ito..

Tumango sila sa akin na parang kumislap ang mga mata. Hindi pa lampas sa isang minuto naming nabuo ang puzzle.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon