Chapter 1 💄💋

1.1K 27 4
                                    

[Ella's POV]

"Napanood niyo ba yung bagong inendorse ni Seungcheol? "

"Yes ghurl! Yung Temptress Lipstick! "

"Plano ko ngang bumili mamaya eh. Nagbabakasakali lang naman na mabunggo ko sa daan si Seungcheol at ng makaranas naman ako ng halik! "

"Feeler nito! Sisiguraduhin ko na makakabili ako ng limited edition na lipstick na yan baka ako ang isa sa mapalad na makatikim ng halik ng isang superstar! "

Nahilot ko ng wala sa oras ang sentido ko.  Sobrang ingay nila na parang walang test na mangyayari sa next subject.

"Ella? "

Napatingin ako Kay Julie,  nag-iisa kong best friend.

"Hmm? "

Pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa ng Sky Burial by Xue Xinran.

"Hindi ka ba bibili? "

Kunot-noong nag-angat ako ng tingin.

"Bibili ng? "

"Temptress Lipstick "

"Ha? "

"Alam mo limited edition lang yun. 400 pieces lang yata ang inilabas nila tapos may isang lucky fan na makakadate niya. Worth of 5K yung lipstick. "

Tuluyang tiniklop ko ang binabasa at hinarap siya.

"Teka lang ah? Una, ang mahal naman ng lipstick na yan. Pangalawa, nakita mo na ba akong nag-lipstick? Lastly, sinong SIYA? "

Nanlalaki ang mata na tumingin siya sakin.

"Di mo kilala si Seungcheol Choi? "

"Do I look like I know him? "

"You're impossible! Halos laman siya ng TV lalo na sa balita. Madami ding upcoming drama series at movies na ginagampanan niya. Madadaanan din natin yung napakalaking billboard niya tapos hindi mo kilala? "

"I don't know him. Ni wala nga siya sa librong binabasa ko then he's not important. "

"Geez! You and your books! Try mo naman kayang bumasa ng pocket books o wattpad hang magkaroon ka naman ng romance cells sa katawan. "

"I read romance, you know? "

"Yes! Romance! Pero tragic ending. "

Di ko napigilang tumawa.

"Anong problema don? "

"The problem is! Gusto mo bang magkaroon ng tragic love story? Ayaw mo nang mala fairy tale? "

I heaved a sigh.

"Actually, I really want to have a fairy tale like love story. I want to find my own prince charming but come to think of it. Why would I wish to find a prince charming when they don't even exist? Love will only hurt us and that's the reality. "

Sapo ang mukha at parang maiiyak na sinubsob ni Julie ang mukha sa desk.

"Bahala ka diyan,  Ella! Huwag mo kong banatan ng mga pilosopo mo. Na stress lalo ako. Magbasa ka na nga lang diyan at nang magkaanak kayo ng uod niyang libro na yan. I'm out!  I give up! "

Mas lumakas ang tawa ko sa reaksiyon niya. Die hard kasi ng romance at fairy tale yang so Julie kaya di siya sanay sa genre ng buhay ko.


Pero sino nga ba naman ang ayaw ng mala fairy tale na love story?

Oo nga gusto ko pero nasa real world tayo eh. Possible bang mag-exist ang fantasy sa real world? Maaari bang may maligaw na prinsipe dito?

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon