[Ella's POV]
Ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon. Yung pakiramdam na parang may lason sa katawan ko na kumakalat.
Ano bang karapatan ko na makaramdam ng ganon? Ano ko ba siya? Ano ba siya sa buhay ko?
Ayaw kong aminin sa sarili ko na may nararamdaman na ako sa kaniya. Kasi pakiramdam ko ako yung talo. Anong silbi ng nararamdaman ko kung pagkatapos ng kontrata namin sa kaniya ay babalik agad kami sa dati. May 3 buwan na lang akong natitira.
Babalik na sa normal ang buhay ko. Yun naman ang gusto ko diba? Yung mga panahon na pag-aaral at libro lang ang inaatupag ko.
"Let's give a toast to Seungcheol's new movie release! "
Nasa condo kami ngayon ni Cheoli. Kasama ko si Julie at Jennifer. Sini-celebrate namin ang kakapalabas lang na movie niya sa cinemas nationwide.
"Thank you very much for all your hard works! "
Pineapple juice ang laman ng baso ko habang beer naman ang sa kanilang tatlo.
I really hate the smell of alcohol but I think I might drink that one of these days.
"Kanta tayo ah? Julie unahan mo nga. "
Walang pagdadalawang isip na tinanggap niya ang alok ni Jennifer.
Nakatayo ngayon silang dalawa kaya naiwan kami ni Cheoli sa sofa.
Naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sakin. Uusog din sana ako palayo pero hinila niya ako sa bewang at pinalapit sa kaniya. Nagpupumiglas ako pero pahigpit ng pahigpit din ang hawak niya sa bewang ko.
"Stop struggling. "
Tiningnan ko siya ng masama.
"Bitawan mo ko. "
"No. Why are you avoiding me? "
Nag-iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang panga ko.
"Did I do something wrong? Are you mad at me? "
"I'm not mad at you. "
"2 weeks, Ella. If you're not mad at me then why are you avoiding me? "
Pakiramdam ko mas malakas pa ang tibok ng puso ko sa boses ni Jennifer at Julie. Ngayon nasisigurado ko nang may gusto ako sa kaniya. Iba na to eh, yung kunting lapit niya lang sakin natataranta na ako. Pangalan niya palang ang marinig ko lumalakas na ang tibok ng puso ko. Am I ready to get hurt?
"I'm not in the mood, okay? I was just busy for school requirements. I'm just stressed. "
Mukhang ayaw pa niyang maniwala pero sa huli nag-iwas lang siya ng tingin. Yun nga lang nasa bewang ko pa ang kamay niya.
Kumuha ako ng pizza sa glass table at kumagat.
"Ella"
Mabilis na tumingin ako sa kaniya at natigilan nong magkatinginan kami.
Nasa bibig ko pa din ang pizza. Bumaba ang tingin niya dito at di ko inasahan ang pagkagat niya sa dulo.
"Ehem! Love birds huwag naman kayong gumawa ng sarili niyong mundo."
Mabilis na binitawan ko ang pagkagat sa pizza at pumwesto sa pinakadulo ng sofa.
"Ella, kantahin mo muna to. Parinig mo naman samin ang golden voice mo."
Hindi na ako nakaangal kay Jennifer nong binigay niya sakin ang microphone. Buti na lang alam ko ang kanta. Sinimulan ko ng kantahin ang 'Changes in my life' ni Mark Sherman.
Mukhang angkop to ngayon sa sitwasyon ko. Simula kasi nong dumating siya sa buhay ko, madami na ang nagbago.
"And I'll never forget your love
You and I we were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes
These are all the many changes
These are all the many changes in my life
These are all the many changes
These are all the many changes
These are all the many changes in my life. "Pagkatapos kong kumanta ay tumahimik sila. Nakatitig lang sakin si Cheoli kaya naiilang na nag-iwas ako ng tingin.
"Nakaka-in love naman ng boses mo Ella! "
Napangiwi ako sa reaksyon ni Jennifer.
"No wonder kung bakit na in love sayo si Wonwoo! Complete package talaga tong best friend ko! "
"Pinagsasabi mo diyan? Tama na nga ang inom, lasing ka na oh? "
"I'm not drunk, Ella! I'm just telling the truth! Boto ako kay Wonwoo para sayo. "
Lasing na nga talaga.
"Tsk! I'll sleep first. "
Walang lingon na iniwan kami ni Cheoli.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?