[Ella's POV]
"Ella! Pass your assignment na daw. "
Automatic na pinasa ko naman ito. Lutang talaga ako nitong mga nakaraang araw. Nakakapagod magtrabaho kay Cheoli! Ang dami niyang arte! Ang dami niyang inuutos! Parang ayaw niya kaming pagpahingain ni Julie.
Ngayon lang kami nakahinga ng maluwag dahil 1 week na nasa Italy si Cheoli at Jennifer para sa taping. Di pa naman kami pwedeng sumama dahil wala pa naman kaming passport at isa pa nag-aaral pa kami . Pang-apat na araw na nila don.
Naisipan naming pumunta ng mall ni Julie. Pumasok kami sa World of Fun para naman malibang.
Katatapos lang naming mag basketball kaya nagpaalam muna ako na pupunta sa claw machine.
Ang cute ng mga Teddy bear at naagaw ng isa ang atensiyon ko. May suot itong glasses at may hawak na libro.
May 15 tokens pa ako kaya nagbaka-sakali ako.
Di ko namalayan na isang token na lang ang natira sakin.
"Sana suwertihin ako pleaseeeee! "
Pikit matang hinulog ko ang token at pinagalaw ang controller.
Napasinghap ako ng may mainit na kamay na sumakop sa kamay kong nasa controller. Nag-angat ako ng tingin kasabay din ng pagbaba niya ng tingin.
"Wonwoo... "
Matagal ko na pala siyang pinagmamasdan at natauhan ako nang marinig ko ang hiyawan sa loob ng claw machine. Tuluyan na akong napaharap sa kaniya nong na trap ako sa dalawang braso niya.
"For you. "
Binigay niya sakin ang Teddy bear na agad kong kinuha.
"Thank you, Wonwoo! "
Sa sobrang tuwa napayakap ako sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng niya kaya aalis na sana ako sa yakap pero niyakap niya ako ng mahigpit.
It lasted for almost 5 minutes.
Ako ang unang kumalas sa yakap dahil hiyang hiya na ako."K-Kanina ka pa dito? "
"Nope. I was just passing by when I saw you looking innocent and cute while playing the claw machine. "
"Ah... Thank you pala ulit dito. "
"Welcome. You're alone? "
"No. Kasama ko si Julie. "
"Let's find her. Ililibre ko kayo. "
Napatawa ako nang marinig ko siyang nagtagalog. Pansin kong bigla siyang namula.
"Sorry, my Tagalog sucks right? "
"No! Ang cute ngang pakinggan eh. "
"Ow? Glad to hear that. "
Nakita naming naglalaro sa dance revo si Julie kaya todo cheer kami sa kaniya.
Nilibre niya kami sa Pizza Hut at marami akong nalaman tungkol sa pagkatao niya. Full korean pala siya pero may mga pinsan siya dito sa Pilipinas na tinutuluyan niya. Nagmo-model din pala siya ng branded clothes at gumanap na din siya sa maraming international movies. Masyado naman kaming namangha ni Julie. Artista din pala tong kasama namin. Hinatid niya kami sa harap ng building ng condo ni Cheoli.
"Looking forward to see you again, Ella. Goodnight to the both of you. Goodbye. "
Kumaway kami hanggang sa nawala na sa paningin namin ang sasakyan niya.
"Taray! Ikaw lang gusto niyang makita ulit. Lakas ng tama ni Wonwoo sayo. "
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Friendly lang yung tao. "
-----------------------------------------------------------------
Hawak ang Teddy bear na kanina ko pa pinagmamasdan. Sumagi sa isip ko ang maamong mukha niya.
"Goodnight, Wonmay. "
Hinalikan ko ito sa noo at niyakap.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?