Chapter 38 💄💋

146 8 2
                                    

[Ella's POV]

"Welcome back to Zing Island! "

Nasa receiving area kami at full smile na sinalubong kami ni Rochelle na may buhat buhat na batang siopao. Joke lang haha! Sobrang puti kasi eh tapos antaba pa ng pisngi. Napakagwapong bata.

"Nice to be back here again, Rochelle. "- Julie.

"I'm glad. Hoonie? Say hello to them. "

"Heyowww. "

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Cheoli dahil gusto kong kurotin ang pisngi ng bata kaso baka umiyak at mamula ng pisngi.

"Hi baby, how old are you? "- Wonwoo.

Opo, kasama namin siya. Mas excited pa nga samin eh. Medyo ilag pa nga yan sakin dahil may balak talaga akong sapakin siya. Siya kasi non ang naglagay ng highlighter sa bag ko. Actually nasa bahay yun, siya pinabayad ko.

"Twi pow. "

"He's three, may kambal pala siya kaso pinapatulog ng daddy niya si Chichi. Anyway, naipaayos ko na ang room niyo. Feel at home hehe. "

Pati tong si Rochelle mukhang makukurot ko. Nagpasalamat kami sa kaniya bago kami pumunta sa kaniya-kaniyang room namin. Dapat nga noong nakaraang buwan pa kami pupunta dito eh kaso may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan kami. Si Wonwoo kasi sinagot na daw ng girl kaso hindi niya pa napapakilala samin. Si Joshua at Julie naman nahuli namin sa isang jewelry shop. Nagkagulatan pa kami non at natulala pa ako ng makitang sinusukat ni Joshua ang isang singsing na simple lang pero napapalibutan ng diyamante. Hindi ko talaga sila tinigilan ng tanong kaya napaamin silang magpapakasal na bago matapos ang taon. Ang bruha! Ako na best friend niya nililihiman niya. Nawala naman ang tampo ko sa kaniya dahil nilibre niya ako ng limang libro sa NBS. Namulubi tuloy sila ni Joshua but that's too impossible. Ako din pala ang pinili niyang bride's maid. Si Jennifer ang maid of honor.

Speaking of Jennifer, ayon kay Cheoli magkasama naman daw silang umuwi kaso dumaan daw muna siya sa probinsiya nila at pansamantalang nanatili don. Next month magba-bonding kami.

At ako naman, bumisita sa bahay ng parents ko kasama si Cheoli. Di magkandaugaga non si Mama at papa ng maka face-to-face nila si Cheoli. Since na idol siya ng mga magulang ko, plus points iyon kaya auto accept sila sa relasyon namin. Magaling na din palang magtagalog si Cheoli ko. Nakakamangha nga eh. Si Jennifer daw ang teacher niya. May exam exam oa nga daw na naganap.

Buong araw ginugol namin sa paliligo at kung ano pang sea activities. Pakiramdam ko nga sunog na ang balat ko kakababad sa initan kaso nga lang worth it naman. Malapit na ngang ma full storage ang cellphone ni Cheoli at Wonwoo sa mga pictures namin.


Alas siyete na ng gabi at ako lang mag-isa dito sa room. Lumabas kasi si Julie at mag-iisang oras na wala pa din siya. Inabot ko ang cp ko at sinagot ng makitang si Julie ang tumatawag. Speaking of the bruha.

"Yep? Nasaan ka na? "

"Baba ka dito kung saan tayo nag bonfire non. Susunduin sana kita kaso naghahanda pa ako ng kakainin natin eh. "

"Sige pupunta na lang ako diyan. "

Pinatay niya ang tawag kaya dali-daling nag-ayos ako ng sarili at lumabas ng room.

Nasa receiving area na ako ng bigla akong hinarangan ng bibong bibong si Hoonie at babaeng kamukhang-kamukha niya. Ito na siguro si Chichi.

May buhat silang libro at pilot na inaabot sakin kaya mabilis na kinuha ko sa kanila.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon