Chapter 24 💄💋

150 10 1
                                    

[Ella's POV]

Kanina pa umiinit ang magkabilang pisngi ko at nagwawala ang puso ko dahil sa camel na to. Panay ba naman kasi ang lingkis sakin. Masyadong nadala sa dare ni Jennifer.

Ganito kasi ang nangyari...

Flashback...

"So as a dare, gusto kong mag cross dressing kayo for one day. Gagala kayo sa mall at huwag kayong magtangkang magpalit ng damit dahil may ipapadala akong espiya ma mamanman sa bawat galaw niyo. Magpapanggap din pala kayong magjowa. Understood? "



Kaya nga nandito kami sa mall para daw sa 'kuno' date namin. Wala naman kaming choice eh. Yung isa kasing dare ni Jennifer ay i-lock kami sa isang kwarto na magkayakap. May camera pa daw siyang ilalagay kung sakaling maglalayo kami.

Naka red polo shirt ako at maong pants. May fake mustache din ako. May black shades at cap. Si Cheoli naman ay naka red flowery dress at naka 3 inches stiletto na pagmamay-ari pa ni Jennifer. May make-up din siya at pulang-pula ang labi kaya mas na emphasize ang pouty bee-stung lips niya. May fake eyelashes din siya at flower clip sa magkabilang wig na kulay black. Sukbit-sukbit niya pa ang pinahiram na bag ni Julie.

Papaakyat na kami ng escalator ng bigla siyang natapilok kaya pasubsob na yumakap siya sakin at automatic na pinalibot ko ang braso ko sa bewang niya.

"Kyaahh!!! Ang sweet nila no?! "

"Ang cute din nilang tingnan. "

Di ko napigilang mapangiti sa sinabi nila. Kung alam lang nila na ang kinababaliwang Seungcheol nila ang kasama ko paniguradong walang pagdadalawang isip na ihuhulog nila ako sa escalator.

"A-Are you okay? "

Umayos naman ito ng tayo at inakbayan pa ako. Tange nito! Di niya ba alam na babae siya sa ngayon? Kaya nawiwierduhan ang mga nasa pababang escalator samin. Mahinang tinapik ko ang kamay niya sa balikat ko. Nagtatanong ang mata na tiningnan niya ako. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Huwag mo kong akbayan. Babae ka kaya ngayon, Cheoli. "

Nakalampas na kami sa escalator. Inalis niya nga ang kamay niya pero hinila niya ang kaliwang braso ko at ipinulupot sa bewang niya. Gulat na nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero mas nagulat pa ako nang hinalikan niya ako sa noo.

"I'm hungry, love. I'm craving for ice cream. "

Gusto ko mang kiligin pero baka magmukha akong bulateng inasinan at di tugma sa ayos ko ngayong lalaki. Ang sagwa nga lang tingnan kasi mas matangkad pa sakin si Cheoli.

Kitang-kita ko pa sa peripheral vision ko ang pagsunod ni Julie at Joshua.

"Let's eat first. "

Pumasok kami sa isang sikat na ice cream parlor dito sa mall. Maraming customer kaya panay ang yuko niya papasok.

"Ako na ang oorder. Hindi kasi impossible na walang may makikilala sayo dito. "

"Thanks. "

Ayon kasi kay Jennifer kahit ano daw kasi ang gawin na disguise ni Cheoli ay may nakakakilala daw talaga sa kaniya. Napansin ko din non nong nag duty ako sa kaniya. Lumabas lang siya non ng van at fully covered talaga siya pero may nakahalata pa din.

Umorder ako ng chocolate flavor at vanilla flavor na para sa kaniya. Pinalagyan ko ng sprinkles, mini marshmallows at wafer stick.

Nagsalubong ang kilay ko habang papalapit ako sa table namin. May tumabi sa kaniyang dalawang babaeng teenager na parang pinipilit siya ng mga katanungan at nakikita ko ang pagkailang niya.

Padabog na nilapag ko ang ice cream kaya gulat na tiningnan nila ako. Tumikhim muna ako at trying hard na nagboses lalake.

"What are you doing to my girlfriend? "

"Girlfriend? He's Seungcheol diba? "

I badly want to roll my eyes.

"Babae ba yang si Seungcheol? One more thing we don't know that name. Right, love? "

Hinawakan ko ang kamay niya at agad na nagwala ang sistema ko. Those butterflies in my stomach started to spread their wings freely.

"Yeah love. Kenina ko pa se kenila sinebe eh but they won't believe me. "

Okay na sana ang pambabaeng boses niya eh pero nagtagalog pa talaga ang baluktot niyang dila.

"You heard her girls? Can you leave us now? You're disturbing our date. "

Nahihiya namang tumayo at umalis ang dalawa. Naririnig ko pa ang bangayan nila.

"So it's a date ha? You know what? Should I enter you to showbiz world? You acted earlier so naturally. "

Kung alam lang talaga ng camel na to na totoo lahat ng pinapakita at sinasabi ko.

"I just did my part. I'm still your PA. I don't want them to ruin this day. Gusto kong matapos na ang dare na to. "

"You badly want to get away that much or you're not comfortable having me here beside you? "

"I me------"

Muntik na akong mabilaukan nang bigla niya akong sinubuan ng ice cream. Tiningnan ko siya ng masama. Walang sweet bones man lang sa katawan.

"They're here. At your back. "

Napaubo pa ako dahil sa biglang tamis at lamig ng lalamunan ko.

"Are you okay, love? I'm sorry. "

"I'm okay, love. "

Rinig ko pa ang impit na tili ng bruhang si Julie. Ganito bang spy ang pinadala ni Jennifer?

Gamit ang kutsara, kumuha ako nh malaking parte ng ice cream at nakangising inilaput sa bibig niya.

"It's your turn, love. You must try chocolate flavor. It's more delicious than vanilla. Accept my love, love. "

Gusto kong mapangiwi sa sinabi ko. I'm not in my usual self anymore. This is not so me. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Hindi mo namamalayang nakakapagbitaw ka na pala ng mga salitang puno ng kakornihan.


Inisang subo niya ito kaya may lumagpas pa sa labi niya at may pumatak pa sa daliri ko.  Halos mag-evaporate na ako sa kinauupuan ko ng walang pakundangang sinubo niya ang daliri ko at dinilaan.

"You're right, love. Chocolate is more delicious and... SWEET. "

S-Someone help me. Hindi ko na kaya ang kalandiang taglay ng taong nasa harap ko.

May humila pa ng buhok ko kaya masamang tiningnan ko si Julie na ngayon ay nakayakap na kay Joshua at umaaktong parang nahihimatay. Chansing pa to.

Ano ba tong sweetness na pinapakita mo Cheoli? Hindi mapigilan ng puso kong to ang umasa. Umasa na sana totoo lahat ng pinapakita niya at sana totoo na magkasintahan kami. Ngayon pinapasalamat ko kung bakit nangyari ang dare na to. Parang blessings in disguise para sakin.

Heart? Relax ka lang muna ah? Handa ka na bang masaktan? Dalawang buwan na lang ang natitirang makakasama natin siya.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon