Chapter 37 💄💋

120 8 1
                                    

[Ella's POV]

"Excuse me, Miss Bayot. "

Napatigil ako sa pag discuss nang biglang may tumawag sakin. Lalaki na nakapink and black na uniform ganun din ang cap niya.

"Yes po? Ano pong kailangan nila? "

"May idedeliver lang po sana ako. I'm from blossom flower shop po. "

Halos nanlaki ang mata ko nang makita kong may binuhat siyang bouquet ng bulaklak. Pumasok siya at ibinigay sakin kaya tinanggap ko na lang kahit nagtataka.

"Please sign here po. "

Pumirma naman ako at basta na lang siyang umalis.



"Yieehhhhh!!! "

Natawa na lang ako sa reaction ng mga 3rd year students ko. Mga issuer haha!

"Ano ba kayo? Baka namali lang iyon ng pinadalhan. "

Nanunudyo pa din ang mga tingin nila sakin.

"Baka po may note miss? "

Hmmm... Di ko iyon naisip ah?

Pinagmasdan ko ang bouquet ng sunflower at may nakita nga akong mini book key chain. Ang cute lang. Binuklat ko ito at may nakasulat. Kapangit naman ng penmanship hahaha.

"I'm just starting but I want to end up with you. "- Cheoli.

Di ko na napigilang mapangiti kaya mas lalong inulan nila ako ng tukso. Walang usapang nangyari sa pagitan namin nong nasa seminar ako. Inaya niya lang ako mag dinner tapos yung feeling ba na kahit walang usapang naganap ay nagkakaintindihan na kami. Magkakaroon din naman kami yata ng pagkakataon na makapag-usap. Yung sinasabi kong parang may kulang, mukhang siya iyon eh. Corny mang pakinggan pero iyon talaga ang totoo eh.




Lumipas ang isang linggo na hindi na ako nagkaroon pa ng balita kay Cheoli. I'm starting to lose hope again. Wala na din akong nakakasama dahil these past few days naging super busy si Wonwoo. Ganun din ang mag jowa. Pag inaya ko ang daming rason. Ganun na ba talaga kayaman si Joshua na araw-araw kaya niyang ilibre si bruha? After kasi ng klase namin sinusundo siya agad ni Joshua.

Binuksan ko ang pinto dahil sa sunod-sunod na katok.

Automatic na napasimangot ako.

"Naaalala mo pa pala ako niyan? "

Nahihiyang napakamot siya sa batok at nakuha pang ngumisi.

"Tampo ka na niyan? "

"What do you want, Wonwoo? "

"Samahan mo ko. "

"Naaalala mo lang pala ako kapag may kailangan ka. "

"I'm sorry. I'm busy because I'm making my move to the girl I love. "

"Dumating na siya? "

Nakalimutan ko palang sabihin na pumunta daw ng ibang bansa ang mahal niya.

"Yup. Limang taon din siyang nawala. I'm not sure if na miss niya din ako. "

Ang tatag din palang magmahal ng lalaking to. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok na sa mall. Hawak-hawak niya ako sa braso na parang bata ako na maliligaw.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon