[Ella's POV]
Nakangiting pinagmamasdan ko ang litrato namin na kasama sa Wall of Zing dito sa Zing Island. Litrato namin ni Cheoli habang nagpo-propose siya sakin. Litrato ni Joshua at Julie na nasa jet ski and lastly litrato ni Wonwoo na naka topless at buhat ang naka two piece na si Jennifer.
Opo! Si Jennifer bruha pala ang kinababaliwan ni Wonwoo! Bakit hindi ko man lang naisip iyon? Yung letter J, yung nawala ng halos 5 years. Nalaman ko lang na si Jennifer pala ang mysterious girl noong gabing nagpropose sakin si Cheoli. Nagkadevelopan daw sila noong nagkaroon ng time na same modeling agency daw ang kumuha kay Wonwoo at Cheoli. Muntik na daw siyang mahulog sa hagdan buti na lang daw may sumalong gwapo sa kaniya. Natukso at bumigay daw agad ang marupok niyang puso. Nong time pala na busy non si Wonwoo at hindi ko siya mahagilap ay dahil pala pumunta siya sa probinsiya nina Jennifer. Grave ang alindog ng bruha ! Abot hanggang probinsiya.
"Ella? Are you ready? "
Nilingon ko si mama na naluluha na.
"Yes ma. "
Inayos niya ang suot kong wedding veil at inalalayan ako palabas bg hotel. Nasa labas si papa naghihintay at agad akong umabrisite sa braso niya.
"Remember that we're very proud of you, Ella. "- Papa.
"Mahal na mahal ka namin. "- Mama.
Todo pigil ako na huwag umiyak dahil paniguradong masisira ang make up ko.
It's my wedding day. 3 months after ng proposal niya ay naka set na ang nasal namin. Lahat ay lihim na pinlano nila at wala akong kaalam-alam. A literal surprise nga talaga. Nong nakaraang linggo namanhikan samin si Cheoli kasama ang parents niya. Grabe ang kaba ko non dahil first time kong makakaharap ang parents niya pero nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil walang pagdadalawang isip na tinanggap ako ng parents niya.
Simpleng beach wedding ang magaganap dito sa Zing Island para na rin sa privacy. Kahit kasi na umalis na si Cheoli sa showbiz life ayaw niyang may media pang manghimasok sa kasal namin. Matagal na pala siyang umalis sa showbiz kaya pala walang balitang lumabas nong umuwi siya dito sa Pilipinas. Tinanong ko nga siya kung hindi ba siya nanghihinayang pero sinagot niya lang ako na ang rason pala ng pag-alis niya ay ang pagtapos niya sa lahat ng kontrata niya at para makawala na siya sa showbiz at makasama ako na malayo sa spotlight.
Nandito lahat ang mga taong importante sa buhay ko. Relatives ko, schoolmates ko dati, co-teachers ko, siyempre ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Cheoli.
May red carpet akong lalakaran na nalalatagan ng rose petals. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang kaba ng makita ko ang nag-iisang lalaki na minahal ko ng sobra pangalawa kay Papa. Nasa dulo na siya ng isle katabi si Wonwoo at Joshua.
Nagulat ako ng biglang may dalawang iyakin na yumakap sakin.
"Ella, w-were very happy for you. "- Julie.
"Finally! Ikakasal ka na. H-Huwag mo kaming kalimutan ah? "- Jennifer.
Nag-init na ang magkabilang sulok ng mata ko dahil sa sinabi nila. Parang may bumara na sa lalamunan ko sa kakapigil ko na huwag umiyak.
"A-Ano ba naman kayo! Huwag niyo nga akong paiyakin! Tingnan niyo ang mga mukha niyo oh? Mukha na kayong witch. Madami pa namang nagagandahang babae dito. Baka ipagpalit kayo ng dalawa. "
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?