Chapter 7 💄💋

289 14 1
                                    

[Ella's POV]

"Ano pong kailangan niyo sakin? "

Nandito kami sa lobby sa labas ng room. Nakita ko pa ngang panay ang sulyap ni Julie kaya inambaan ko nga ng suntok.

"I have something here and I think it's very important to you. "

Duguan na naman to ng ilong. Pero mukhang nakakaintindi naman siya ng Tagalog. Ilang na ilang din akong tingnan siya kasi nakakasilaw yung kagwapuhan niya. Kung hindi lang kabaliwan isipin, parang isa siya sa karakter sa librong binabasa ko at lumabas.

"It belongs to you right? "

Namilog ang mata ko ng makita ang library card ko.

"Y-Yes! H-How?  Ahmm... P-Paano napunta to sayo?"

Napakamot siya sa batok.

"Well, I'm the guy at the jeep yesterday and I saw your library card inside my hoodie's pocket. "

"Oh my gosh! "

Napatakip ako ng bibig at umiinit ang magkabilang pisngi ko.

"A-About that, I'm really sorry. "

"It's okay. "

Inabot ko ang library card ko at nagpasalamat. Biglang nag bell kaya nagpaalam muna ako sa kaniya na kukunin ko ang gamit ko.

"Sino yon? "

"Siya yung lalaki kahapon sa jeep! "

"Oh my gosh! "

"Same reaction,  Julie. "

Sabay kaming lumabas at hinihintay pa din ako ng lalaki.

"Ah,  uuwi na pala kami. Ikaw? "

Papunta kaming parking lot.

"I'm staying at the hotel. "

Napa aray ako dahil sa kurot ni Julie.

"Bakit? "

Lumapit siya sakin at bumulong.

"Tanungin mo ang pangalan! "

"Oo nga pala. "

I cleared my throat.

"Ah, can I know your name? "

Nasa parking lot na kami at sa harap ng itim na sasakyan.

"Sorry I forgot. I'm Wonwoo,  you can call me anything you want. "

"Nice to meet you,  Wonwoo. I'm Ella May,  well for formality, and my friend, Julie. "

"Nice to meet you both. Mind if I give you a ride? "

Ang yaman! Sasakyan pala niya tong sa harap namin. Tiningnan ko si Julie at sinenyasan niya akong pumayag. Wala talaga tong hiya-hiya.

Hinarap ko si Wonwoo.

"Ah--------"

"Let's go, lucky. Sorry I'm late. "

Muntik ko nang mabitawan ang mga libro pero mabilis na naagapan ni Cheoli kaya nakayakap na siya ngayon sakin.

"W-What are you doing here?! "

"You forgot what we've talked yesterday, lucky. "

Napangiwi ako ng maalala ko ang lahat.

"I'll bring them home safely. Thanks for the offer. "

He said flatly to Wonwoo.

Hindi na ako nakahingi ng pasensiya kay Wonwoo dahil hila-hila na ako ni Cheoli papuntang sasakyan niya. Pinagbuksan niya kami ng pinto.

Tahimik lang kami buong biyahe kaya binalingan ko ng tingin si Julie.

"Hoy? Okay ka lang? "

"Mukhang hihimatayin ako, Ella. "

"Ha?! "

"Hindi ko kinaya ang sitwasyon! Ang gwapo-gwapo ni Seungcheol! Pwede na kong mamatay! "

Napatili ako nong bigla nga siyang hinimatay.

Dinala niya kami sa condo niya at pinabuhat si Julie sa isa sa bodyguard niya.

"Starting today, you'll stay here with me for the whole 5 months. "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon