[Ella's POV]
"...future. "
Yakap-yakap ng isang lalaki si Julie mula sa likuran kaya naagapan nito ang pagbagsak niya. Tulala siya ngayong nakatingin sa lalaki kaya dali -daling lumabas ako ng elevator at hinila siya.
"Okay ka lang, Julie? "
Parang nananiginip pa siyang tumango sakin. Hinarap ko ang lalaki at kulang na lang ng lights sa paligid at pwede na siyang anghel na hulog ng langit. Sobrang gwapo niya.
"Thank you for saving my friend, Sir. "
"It's okay. Is she okay? "
"She's perfectly fine. Thank you again. "
Ngumiti lang siya kaya hila-hila si Julie na lumabas kami ng building.
"Julie!!! "
Sa wakas natauhan din siya.
"Nasaan na si future?!"
"Sinong future? "
"Yung! Yung lalaki kanina? Yung hero ko? "
"Nakasakay na ng elevator. "
"Sayang! "
"Oo tange! Di ka pa nakapagpasalamat don. Parang nakashabu ka kanina eh. Kakahiya ka."
"T-Talaga?! Ang pangit ko ba kanina? Huhuhuhu! Saan kaya siya natin ulit makikita? "
Buong klase yan lang ang bukambibig niya. Na love at first sight daw siya. Napagalitan nga siya kanina ng Prof namin sa calculus dahil di nakikinig. Tinawanan ko na lang siya nong uwian na.
Pauwi na kami nong nadaanan kami ni Wonwoo at pinasakay sa sasakyan niya.
"This coming Sunday is my birthday. I'm inviting the both if you to come if you're not that busy. "
"Ah, mukhang di naman. One more thing, that's our day off so there's a possibility na makaka attend kami. "
"Thank God. Gifts are not necessary ,by the way. Your presence are enough. "
Binigay niya samin ang address ng condo niya pagkahatid niya samin.
"Sana may mga kasamang gwapo si Wonwoo sa birthday niya no? "
Pumasok kami ng elevator at hindi ko na siya pinapwesto sa may pinto.
"Pero okay na din pala kung wala. May future na naman pala ako. "
Humagikhik pa siya kaya ang sarap batukan. Nasa harap na kami ng pinto at bubuksan na sana niya ito ng bigla din itong bumukas.
Nagkagulatan pa sila ng lalaki.
"You! "
Nagtaka ako sa sinabi ni Julie kaya mas pinagmasdan ko ang lalaki at don ko napagtanto na siya din pala ang sa elevator kanina. What a coincidence ah?
"Is there something wrong, Joshua? "
So, Joshua pala ang pangalan ng lalaki. Sumulpot sa tabi niya si Cheoli.
"Good evening. " Sabay na bati namin ni Julie.
Pinapasok niya kami at dumiretso kami sa sofa.
"Joshua, meet Ella my p-personal assistant and her friend, Julie. "
"Nice to meet you, Joshua. Thank you for saving me this morning. "
Nakahandshake na agad si Julie. Bilis dumamoves ng babaeng to. Exaggerated mang pakinggan pero parang may nagkikislapan talaga sa mata niya eh.
"Nice to meet you too Julie and you're welcome . Please be careful next time. "
Napailing na lang ako nang hanggang ngayon ay mahigpit pa din ang pagkahawak niya sa kamay ni Joshua. Parang wala lang din naman sa lalaki kaya hinayaan ko na lang ang kabaliwan ni Julie.
Di nagtagal nagpaalam na si Joshua kasi may importante pa daw itong pupuntahan. Kaibigan niya pala si Cheoli since elementary.
Katatapos lang naming magbihis ng pambahay at nasa kusina kami. Kasabay naming kumain si Cheoli na mukhang good mood. Nakangiti siya kaya mas lalo siyang gumwapo.
Pansin ko din ang pagtamlay ni Julie. Siguro gusto niya pang makausap si Joshua at nanghinayang pa yan kanina kasi di man lang daw siya nakiselfie.
"You like him? "
Sabay na nag-angat kami ng tingin kay Cheoli.
"Joshua? You like him, Julie? "
Nahihiyang yumuko si Julie pero tumango.
"He's single. "
Parang nabuhayan naman ng loob ang babaeng to.
"Really? Bibisita pa ba siya dito? "
Atat na naman to. Nakalimutan niya na na kumakain kami.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?