[Ella's POV]
Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Cheoli at patungo na kami sa condo ni Wonwoo.
Hindi lang naman siya ang sumama eh! Pati kasi si Joshua nagpupumilit na sumama. Patay kami nito kay Wonwoo dahil may kasama kaming birthday crushers.
Pagkadating sa building, pinark niya muna ang sasakyan bago namin tinungo ang elevator.
"What floor? "
"9th"
Napuno ng katahimikan ang loob ng elevator. Nagkakaroon lang ng kunting ingay pag mag-uusap si Cheoli at Joshua. About work and showbiz lang naman ang topic nila. Pagkatigil sa 9th floor agad na bumungad samin ang room number ni Wonwoo.
Ako na ang nagprisintang kumatok at di nagtagal bumakas ang pinto at sumalubong samin ang bagot gupit na si Wonwoo.
"Hey, you came... "
Nabaling ang tingin niya sa dalawang lalaking kasama namin sa likuran.
"...with them. Get inside. "
Pumasok kami at nakakamangha sa ganda ang loob ng condo niya. Napakalinis at napaka manly ng dating. Combination ng black and white ang design ng condo niya. Mint din ang amoy na malalanghap mo.
May bookshelf siya sa gilid ng flat screen TV niya at punong-puno ito ng libro. Kahit na kating-kati ang paa ko na lapitan ito ay pinigilan ko ang sarili ko. Hindi na talaga mawawala ang adiksiyon ko sa mga libro.
Umupo kami sa sofa na nakapalibot sa glass table. Sa ilalim nito naka-pile ang mga magazines at nakita ko pa na siya ang cover ng isa.
"Happy Birthday, Wonwoo!!! "
Binati siya namin ng sabay ni Julie at inabot ang binili naming dedication cake.
"Happy Birthday. "- Cheoli.
"Happy Birthday, Wonwoo! "- Joshua.
"Thank you guys and thank you for coming. "
"You're welcome. Blow the candle now. "
Mas excited pa tong si Julie. If I know kanina pa yan sa bake shop naglalaway sa cake.
"Ah yeah. I'll get the food first. "
"Tulungan na kita. "
"No. We'll help him. "
Tumayo si Cheoli at hinila si Joshua papuntang kusina. Naiwan kaming dalawa ni Julie na agad lumapit sakin. Minsan nakakatakot talagang umasta tong bruhilda na to.
"Ella! Alam mo ba na sinabihan ako ni Joshie na may future daw ako sa kaniya! Este may future daw ako sa pagsasayaw. "
"So naka move on ka na sa chicken dance mo? "
Napangiwi na lang ako nang tinampal niya ako sa braso.
"Huwag mo na kasing ipaalala sakin! Most embarrassing moment ko kaya yun! Bakit kasi di mo ko agad sinabihan? Todo bigay pa naman ako non. "
"Oo! Mukhang nangingitlog na manok ka na nga non eh. Pero at least di na hidden ang talent mo. "
Pinagtawanan ko na lang ang nakasimangot niyang mukha. Bumalik ang tatlo na dala-dala ang mga pagkain.
Nakakahiya mang aminin pero parang naghugis puso ang mga mata namin ni Julie at parang may imaginary laway na kami sa gilid ng labi. Nakakatakam kasi ang mga hinanda niya. Kunti lang ang mga putaheng pamilyar sakin kasi yung iba mukhang specialty nila sa Korea. Hindi ko na iisa-isahing pangalanan dahil baka tuluyan na akong maglaway at mapagkamalang patay gutom.
Nagsimula na kaming kumain pagkatapos na hipan ni Wonwoo ang kandila.
Napapitlag ako ng may dumamping kamay sa gilid ng labi ko.
"What a messy eater. "
Napakurap-kurap ako at napalunok. Siguradong di nakaligtas sa paningin ni Cheoli ang pamumula ng buong mukha ko. Kainis na camel to! Pinapatibok niya na naman ng mabilis tong puso ko. Pwede namang sabihan niya ko.
"Ella? You don't like the food? "
Nagtatakang tiningnan ko si Wonwoo.
"Ha? "
Nagbaba ako ng tingin at kasalukuyang hinihiwa ko na pala ang hotdog sa gitna gamit ang kutsara at tinidor.
"No. I love the food. It's very delicious. Well, nagiging hobby ko na kasi minsan to eh. "
"Really? Why? "
"Mahilig kasi akong manood ng movies at series na related sa medical. I want to be a surgeon but my parents can't afford the tuition. Na eexcite kasi ako pag nasa part na ng operation kaya kanina nga feel ko scalpel yung hinahawakan ko tapos yung hotdog yung tao. "
Natawa naman siya sa kinuwento ko.
"Wow! I thought you don't like the food. Actually, I'm glad to hear one of your hobby and you want to be in the future. "
Napangit na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kakahiya, nalaman niya pa tuloy! Perks of being a movie and series lover.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?