Chapter 35 💄💋

118 8 1
                                    

[Ella's POV]

5 years later...

Time flies so fast. 5 years had passed after my life returned to normal. Mahirap siya, mahirap kalimutan ang bagay lalo na at nakasanayan mo. Hahanap hanapin mo talaga. Pero sabi nga nila paano ka makakausad kung pinipigilan mo naman ang sarili mong manatili sa nakaraan. Kaya ko nga pala dahil kinaya ko at nakaya ko ngang mamuhay ng wala siya.

Simula nong umalis siya, si Wonwoo, Joshua at Julie ang naging karamay ko. Alam ko non na they're trying their best to divert my attention. Palagi nila akong sinasama sa mga book stores at kung ano pang café shop na may mini book shop. Pinipilit kong magmukhang nalilibang kahit na lahat ng alaala naming dalawa lalo na sa NBS bumabalik. Napag-isip-isip ko naman na kung di ako kikilos ako yung talo. So now here I am, a licensed teacher, 1 year na akong nagtuturo sa college.

"Miss Ella? "

Nag-angat ako ng tingin kay Prof. Hollero na pumasok sa cubicle ko.

"Yes Prof? "

"May upcoming Teachers Seminar next week diba? Then we decided na ikaw ang gagawin naming representative ng school natin. Don't worry, you'll just give your comments and suggestions after the seminar then you'll be endorsing our school to them kasi nga tayo naman ang host next year. Are you okay with that? "

Kahit gusto ko mang tumanggi eh magmumukha akong walang respeto. Atsaka this is the first na nag ask sakin ng favor si Prof kaya who am I to decline? Big opportunity naman siya actually.

Opportunity...


"Miss Bayot? "

Natauhan naman ako sa pagtawag sakin ni Prof.

"I-I'm sorry Prof. Yes Prof, payag po ako. "

"Thank you so much, Miss Ella. "

"Welcome Prof and thank you for trusting me. "

Nagpaalam siyang umalis kaya balik na naman ako sa pag compute ng midterm grades ng mga students ko. Exactly 5:45 pm nag out na ako. 6 pm nakauwi na ko sa bahay. Yup, mag-isa lang ako dito sa bahay. Mga one year na din. Actually bahay to ng Tito ko. Umuwi silang Ireland at dahil ayaw naman nilang ibenta ang bahay kaya nagdesisyon sila if willing daw akong tumira. I immediately said yes. I want to be independent. Hindi naman ako natatakot kasi nga nasa exclusive subdivision naman ang bahay at super higpit ng security. Malaya akong nakakakagalaw sa bahay at I can do anything what I want to do. Twice a week naman akong binibisita ni Mama at Papa. Nagdadala sila ng groceries at gulay. Kaya ko namang bumili ng own grocery needs ko pero hindi ko sila mapipigilan. In return, nilulutuan ko na lang sila ng pagkain and I sometimes bake cookies and pizza for them.

Hawak ang container ng Oreo ice cream na umupo ako sa sofa. Isinandal ko ang nakamedyas kong paa sa ibabaw ng glass table na nasa harap ko. Nahagip ng mata ko ang magazine na nakalapag sa glass table. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil agad na nagflashback sa isipan ko ng nangyari.




[3 years ago...

Hila-hila ako ni Julie papasok sa condo ni Wonwoo. Magmo-movie marathon daw kami. Tatlong taon na ang nakalipas at masasabi kong hindi nga nila ako iiwan dahil kasama ko pa din sila hanggang ngayon. Apat sana kaming magpupuyat pero may urgent meeting si Joshua sa bagong modeling agency nito kaya hindi siya nakasama.

"You guys here. "

Hawak ni Wonwoo ang bowl ng popcorn kaya agad ko siyang tinulungang dalhin ito sa theater room niya. Labas pasok na nga kami sa condo ni Wonwoo eh. Wala namang isyung lumalabas dahil sa maniwala man kayo o hindi, nag quit na siya sa pag-aartista. Tinanong naman siya namin kung bakit pero sinagot niya lang kami na we'll find out soon. Mysterious type pa eh.

Nakapwesto na kami sa sofa kaya agad na binuksan ni Wonwoo ang flat screen TV. Sabay kaming natigilan nang bumungad samin ang mukha ni C-Cheoli. Kita ko ang sabay na paglingon nila sakin at ililipat na sana ni Julie ang Chanel pero tumutol ako kaya wala na silang nagawa.

Kasalukuyang live ang nagaganap at kitang-kita sa screen ang tuwa sa mukha niya habang hawak ang trophy ng best actor award.

His gummy smile.
His face.
His eyes.

I missed him. I missed everything about him.

"N-Natupad niya na ang pangarap niya. "

Di ko pa alam  na umiiyak na ako kung hindi pa pinahid ni Wonwoo ang luha ko at niyakap ako.

"You'll be okay, soon. Shhh... That's enough. "

Nilipat nila ang chanel kaya pinilit kong huwag umiyak. Nanood kami ng anime movie na 'A Whisker Away' at pansamantalang na divert ang attention ko.

Dalawang araw ang lumipas at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng NBS at hawak ang magazine na siya ang cover. Nagbayad ako sa cashier at lumabas.

I'm really a masochist. ]




I came back from reality when my phone suddenly rang.

Julie bruha calling...

Accept | Decline

Mabilis na sinagot ko ang tawag niya.

"Yes? "

"Kinausap ka na ni Prof. Hollero? "

"Yes and pumayag ako. "

"Salamat naman. Ako kasi sana dapat kasi sinuggest kita. Peace po. "

Rinig ko pa ang hagikhik niya.

'Sino kausap mo?'

'Si Ella po. Seloso. '

Mukhang may date pa ang dalawang to. Ako na ang bitter.

"By the way, next month vacation na natin diba? Nag-aya si Wonwoo. "

"Saan? I'll check my schedule para malaman ko kung makakasama ako. "

"Sasama ka nga Ella. Walang aayaw. Atsaka I know na sasama ka talaga pag nalaman mo kung saan tayo pupunta. "

"Where? "

"Zing island! "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon