Chapter 28 💄💋

133 8 0
                                    

[Ella's POV]

"Welcome to ZING Island! Enjoy your stay, Lovies! "

Masiglang pagbati ang sumalubong samin sa receiving area. Akala namin simpleng beach resort lang ang pupuntahan namin pero lumipad pa kami papuntang Puerto Princesa, Palawan.

Sumakay kami ng bangka at naglayag ng mga dalawang oras bago nakarating sa islang halos pula ang kulay na makikita. Ang entrance ay may dalawang puno ng niyog na naka-arko at hugis puso. May nga pulang shells at bato na nakakalat. Tanaw na tanaw din ang pulang palasyo na nasa gitna at halos made in glass. Parang nasa island of paradise talaga kami. Napansin ko din ang basurahan na made of seashells pati na din ang mga waiting sheds at areas. Bawat katawan ng niyog may dried gulaman na naka korteng puso at may mga piece of red papers na may lamang motivational at inspirational quotes. Hindi ka makakapaniwala na may ganitong isla sa Pilipinas.

"Guys, meet Rochelle, my best friend and the owner of Zing Island. Rochelle, meet Seungcheol, Joshua, Julie and Ella. "

Binati siya namin isa-isa. Di siya katangkaran pero sobrang masiyahin kaya ang cute lang tingnan.

"Hope you'll enjoy your stay here and we will do our best to give all you need. "

"Thank you, Rochelle. "

Dumiretso na kami sa room namin na naka VIP pa. Magkasama sa isang room si Cheoli at Joshua. Kaming tatlo naman ang magkakasama. Hindi ko napigilang mapangiti pagkakita ko ng pinto ng room namin.

May nakasabit na paniki tapos ang cute pa kasi si Dennis ito ng Hotel Transylvania.

"Kaya pala Zing Island ang pinangalan. Mukhang inspired si Rochelle sa Hotel Transylvania. Muntik ko nang makurot si Dennis. "- Julie.

"Yup! Alam niyo bang 'Zing' ang endearment niya sa asawa niya ngayon? "- Jennifer.

May hawak na banner si Dennis na may nakasulat na 'I Zing You'.

'Zing' means love. It's a monster thing actually. Hinawakan ko ang doorknob at napatalon kami ng biglang may nagsalita. Si Dennis pala.

"You only Zing once so grab the chance! Enjoy your stay and be Zinged in Zing Island! I Zing You, Humans! "




"Matanong nga mamaya si Rochelle kung pwede tong iuwi si Dennis. "

Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Julie. Pumasok kami sa loob at ang cute lang kasi inspired sa Hotel Transylvania ang lahat. Magandang magbakasyon dito ng mga isang buwan.

Inayos namin ang mga bagahe. Pabagsak na humiga ako sa kama at niyakap ang fluffy vampire pillow.

"Sasama ka samin, Ella? Lunch tayo. "

"I want to rest. Hindi pa din naman ako gutom. Tutulog muna ako. "

"Sige, alis na kami. "

Nakapikit na tumango ako. Rinig ko pa ang pagsara ng pinto at siya ring dahan-dahang paglamon sakin ng antok.



Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Inayos ko muna ang sarili at ang higaan bago binuksan ang pinto.

"Naestrobo ba keta? "

Nakasuot ng beach polo si Cheoli. Naka white slippers siya. Naka beach hat at may black aviator na nakasabit sa polo niya.

"Not really. Why are you here? Where are the others? "

"Nemasyal sila. Would you mind if I ask you to join me explore the island? "

He has pleading eyes that I can't resist.

"Sure. Just a minute. "

Sinara ko ang pinto at nahahapong napasandal sa likod nito. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Ang rupok mo Ella! Humugot ako ng isang malalim na hininga at kinuha ang rattan shoulder bag ko at lumabas.

We walked side by side. Sobrang napakaaliwalas ng panahon at parang crystal na nagkikislapan ang tubig kapag natatamaan ng sinag ng araw. Nakakalat din sa paligid ang mga babaeng nakabikini. Halos hindi din nawawalan ng customer ang mga shops especially the souvenir shop and Photo Booth.

Napatigil ako ng pinasuot niya sakin ang beach hat niya. Pinagtitinginan ng mga tao si Cheoli pero isa sa magandang policy ng Island ay ang privacy ng mga celebrities. Strictly prohibited ang pagdumog sa mga artista. Magpa-autograph man o picture. Effective naman ang implementasyon ng policy dahil walang may nagtangkang lumapit sa superstar kong kasama.

Tumigil kami sa harap ng isang shop na may pangalang 'Sweets' Spot '

"You want to get inside? " he asked. I nodded.

May quote pang nakasulat sa pinto na,
'may all who enter as guest leave as friends. '

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumuot sa ilong ko ang napakabangong amoy ng chocolate at coffee.

Madaming customer pero dahil malawak ang area hindi siya crowded tingnan. You won't think that this place really exist in Zing Island. Bagay ang ang pangalan sa ambiance ng place at napakaneat ng surroundings.

May lumapit saming lalaki na naka beach attire din at napakafull-smile.

"Good noon our dear customer. I'm Daryl Dinorog, the owner of Sweets' Spot. Welcome to my house. Come freely. Go safely and leave something of the happiness you bring. Hope you'll enjoy our services. "

"Good noon, Mr. Dinorog. Thank you for welcoming us. I'm sure that we'll gonna enjoy staying here. "

"Let me lead you to your table. "

Sumunod kami sa kaniya at dahil sa sobrang saya at excitement napahawak ako sa braso ni Cheoli at napapisil. Sino ba naman kasing hindi maeexcite kung mini library ang bubungad sayo. Hindi ko talaga maimagine na nasa Zing Island pa kami. Umaalingawngaw din sa loob ang kanta ng The Vamps na Just my Type. May tinawag na waiter si Mr. Dinorog at inasikaso ang order namin.

May vase sa gitna ng table at may rose na nakalagay. May quite sa vase na 'We cannot properly love for we are constantly under mind by egoism and pride. '

Inabot ko ang frame na kung saan nakasulat ang short history ng Sweets' Spot. 8 years na pala ang shop at business partner pala sila ni Rochelle simula pa nong una.

"Here's your order ma'am, sir. Enjoy. "

Nagpasalamat kami sa waiter at tahimik na kumain.

"Are you still angry with me, Ella? "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon