Chapter 21 💄💋

170 9 0
                                    

[Ella's POV]

"Is it okay if we'll have a drink? "- Wonwoo.

"Yes. Huwag niyo na lang kaming pansinin ni Julie. "

Umalis si Wonwoo kasama si Joshua at pagbalik nila may dala na silang isang case ng beer at may hawak namang wine si Wonwoo.

Nagsimula silang uminom habang panay naman ang pilit sakin ni Julie na uminom ng wine.

"Okay na nga ko sa juice. "

"Isang baso lang please? Di ka naman agad-agad gagapang pauwi sa isang baso lang eh. "

"Ayaw"

Sa wakas tinigilan niya din ako. Maya-maya narinig ko ang pagtunog ng ringtone ni Cheoli. Sinagot niya ang tawag at dahil di siya lumabas malinaw na naririnig ko ang sinasabi niya.

"Hello? Persephone? Good evening... Yeah?  Ow, sorry I'm not in my condo right now... Yes. Are you sure?... Okay I'll ask him first. "

Tinakpan niya ang earpiece at tinanong si Wonwoo kung pwede ba daw siyang magpapunta ng bisita dito na agad naman nitong pinayagan . Balik naman siya sa cellphone niya.

"He agreed. I'm here at Carat Hotel. You want me to fetch you? Okay. Just text me if you arrived. Take care. "

Tiningnan ako ni Julie na parang inaalam ang reaksiyon ko. Nginitian ko lang siya ng pilit na kahit deep inside gusto ko nang umirap. Parang kay bilis nawala nang sayang naramdaman ko. May sisira at sisira talaga eh. Nagpatuloy sila sa pag-inom at kwentuhan na as usual si Joshua ang bangka. Lumipas ang sampung minute at umalis si Cheoli.

"Are you okay? "

Nasa tabi ko na si Wonwoo. Di ko man lang namalayan ang pagtabi niya. Masyadong na occupied ng selos ang diwa ko.

"Yeah, I'm okay. Are you happy? "

"Yes, super. My best birthday so far. "

"Glad to hear that. "

"Thank you again for the cake. "

"You're welcome. A simple thanks for inviting us. "

Napatingin kami sa dalawang tao na pumasok. Parang di ko sila kayang tingnan. Naka abrisete ang kamay ni Persephone sa braso ni Cheoli.

She's stunning. Walang wala ang porma ko sa suot niya.

Lumapit sila samin.

"Good evening. Happy Birthday and thank you for accepting me here. "

"No problem. I'm Wonwoo and it's nice to meet you. "

"Persephone. Nice to meet you too. "

Nginitian niya ako na sinuklian ko din ng simpleng ngiti. Magkakilala na kami sa set pa lang. Magkatabi silang umupo ni Cheoli at nakayapos pa din siya dito.

Napa-frustrate ako. Ito na yata ang tinatawag nilang selos. Nakakainis naman tong pagseselos, walang pinipili. Nagpaparamdam sa taong wala namang karapatan.

Inabutan ako ni Julie ng wine at walang pagdadalawang isip na nilagok ito. Handa na ako sa mapait na lasa nito pero wala naman akong nalasahan na ganun. Matamis naman pala tong wine kaya di namin namalayan ni Julie na naubos na namin ang isang bote.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon