[Ella's POV]
"Good morning. "
Himala at mas nauna siya saking gumising. Nakahiga siya sa sofa habang nanonood ng TV.
"Nag breakfast ka na? "
"Yup. Where's Julie? "
"Still asleep. Nauna lang akong gumising para maghanda ng breakfast. "
"No need to do that. "
Napatigil ako sa pagpasok sa kusina.
"What? "
"Just eat the food that I prepared. "
Pigil ang ngiti na tinalikuran ko siya. Binuksan ko ang tray at nakita ko ang niluto niyang Bacon, egg, fried rice with matching milk and slice of apple. Kagat ang labi ng mapagtanto kong pang isang tao lang ang inihanda niya. Nakangiting kinain ko ito at pinagluto na lang si Julie.
Ginising ko si Julie at agad naman kaming naligo at nag-ayos.
"Kain muna ko, Ella. "
Dumiretso siya sa kusina habang ako naman sa sala. Nakaupo pa din si Cheoli sa sofa pero busy na siya sa pagbabasa ng script niya. Mas nagmukha siyang seryoso sa suot niyang glasses.
Umupo ako malayo sa kaniya.
"Ahmm... Thank you pala sa breakfast. "
Tumango lang siya kaya nanibago ako. Di lang siguro ako sanay na tahimik at seryoso siya.
"Let's go, Ella. "
Mabilis na tumayo ako sabay suot ng bag.
"M-Mauna na kami. "
Tumalikod na lang kami nong di siya sumagot.
"Nakakapagpanibago no? "
"Oo nga eh. Yaan mo na, busy lang iyon sa movie niya. "
A familiar car stopped in front of us. Bumaba ang windshield at bumungad samin ang mukha ni Woonwoo.
"Hop in. I'll drive you to school. "
Naunang pumasok si Julie kaya sumunod na lang ako.
"Good morning, Wonwoo. "
"Good morning, Julie. "
"You look handsome today. "
Pasimple ko siyang kinurot. Ang aga-aga ang landi-landi.
"Ow, really? "
"Yes! Diba Ella? "
Pinandilatan ko siya ng mata at tiningnan si Wonwoo na nakatingin pala sakin mula rear view mirror.
"Y-Yes."
"Thank you"
Tumigil ang sasakyan sa harap ng school.
"Thank you pala sa paghatid, Wonwoo. "
"No problem. Wait, I have something here for the both of you. "
May inabot siya saming dalawang paper bag.
"I personally prepared that. Hope you'll like it. "
Nagpasalamat kaming dalawa at pumasok na ng school bago pa ma late.
Lunch time na namin ng mabuksan ang binigay ni Wonwoo.
"Boyfriend material talaga tong si Wonwoo! "
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Pang lunch lang naman kasi ang laman ng lunch box. May kasama pang isang apple.
Pero patuloy na sumasagi sa isip ko ang breakfast na hinanda ni Cheoli sakin. Nababaliw na yata ako! Di kaya gutom lang to.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?