Chapter 23 💄💋

160 11 1
                                    

[Ella's POV]

"Ano ba kasing nangyari at nagkaroon ng madugong labanan sa pagitan niyo? "- Julie.

Kasalukuyang ginagamot niya ang sugar ko sa ibabang labi na pumutok. May sugat din naman si Cheoli sa labi na ginagamot naman ni Jennifer.

Naabutan kami nilang tatlo sa ganoong posisyon kaya alam kong sa una ay iba ang tumatakbo sa isipan nila. May kunting bukol din siya sa ulo niya.

Pinaliwanag ko ang side ko sabay irap kay Julie.

"Yun naman pala. Bakit mo nga ba ginawa yun, Cheoli? "

"I hate listening to his voice. "

"His? Sino bang pinapakinggan mo, Ella? "

"Wonwoo."

"Ahhh... Kaya pala. "

Ewan ko sa tatlong to pero parang lihim na nag-uusap ang mga mata nila.

"Mahirap pala kapag kayo lang ang maiiwan dito. "

Tumawa pa itong dalawang bruha at nag-apiran pa. Nang -iinis na tinawanan din ni Joshua si Cheoli.

"You have an interview tomorrow, Seungcheol. Anong sasabihin mo pag nakita nilang may sugat ka sa labi? "

Patay! Baka isumbong niya ko sa publiko at tutuluyan na ako ng mga fans niya.

"I'll just tell them that a HEAVY thing dropped directly on my face. "

Binigyang diin niya pa talaga ang 'Heavy' kaya aabutin ko na sana siya ng kurot pero buti na lang napigilan ako ni Julie at Jennifer.  Humagalpak naman ang dalawang lalaki ng tawa.




_________________________________________

Nasa sala kami ni Julie at naghahanap ng music para sa sasayawin namin sa PE.

"Chicken dance na lang, Julie? "

Humagalpak ako ng tawa nang mabilis na nilingon niya ako at salubong ang kilay habang may talim ang titig niya.

"Di maka move on? "

Ang sungit!


"Ethnic dance kaya, Ella?"

"Pwede din pero I know na madaming pipili niyon. "

"Oo nga eh. Interpretative madami din. "

Kakastress naman to! Kahapon sinabihan kami ng PE teacher namin na makakasama daw namin lahat ng department na ka year level namin. Magla-launch na lang daw sila ng PE culmination program. Nakakahiya man pero kailangang gumiling for the sake of grades.


"Wahh!!! Ella? Kpop kaya tayo? "

"Hmm pwede din. Sunod tayo sa uso. "



"I heard Kpop? "

Nabaling ang atensiyon namin kay Joshua na naka gym outfit pa. Siniko ko si Julie na muntik nang maglaway.

"Laway mo bruha. Nakakahiya. " Bulong ko sa kaniya.

"Sinong di maglalaway? Bakat na bakat oh! "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon