[Ella's POV]
Mabilis na pinayungan ko si Cheoli pagkatapos ng isang scene nila. Nasa beach kami at sobrang init ng panahon. Inabutan naman siya ni Julie ng tubig pagakadating namin sa tent. Tinabihan ko si Jennifer nong inasikaso ng make up artist si Cheoli.
Close na kami nito dahil di din naman magkalayo ang edad namin. Bagay din silang pagsamahin ni Julie dahil saksakan ng mga kalokohan.
"Ilang scene pa ang iti-take, Jen? "
"Isa na lang. The most awaited part! "
"Talaga? "
"Oo. Ang ganda ni Persephone no? "
"Oo"
Maganda naman talaga ang leading lady ni Cheoli. Fil-Am pa.
"Bagay sila diba? "
Hindi ko alam pero parang kusang tumikom ang labi ko.
"Diba? "
"O-Oo. Bagay na bagay. "
"Pero hindi ko siya gusto para kay Seungcheol eh. "
"Bakit? "
"I won't let her add Seungcheol to his men collections. "
Nagsignal na ang director na magsisimula na kaya tumayo na siya.
"Pero may isang tao ako na gusto para kay Seungcheol. "
Kinindatan niya ako bago umalis. Sino kaya yung babaeng yun?
"1...2...3, Action! "
Tumabi ako kay Julie at nanood. Nakakabilib umacting si Cheoli.
"Don't turn your back on me, Jessica! "
"Just let me go, p-please? I'm b-begging you. S-She needs you. "
Nagsimulang umiyak si Persephone. Nakitaan naman ng sakit ang mata ni Cheoli.
"I don't care about her! I n-need you. Don't give up on us please? "
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkamangha. Nagsimula na din kasing umiyak si Cheoli sabay yakap kay Persephone.
"I love you so much, Jessica. "
Hinawakan niya ito sa mukha sabay punas ng luha.
"I love you too, Enzo. "
Dahan-dahang nagbaba ng mukha si Cheoli kay Persephone . Gustong-gusto kong umiwas ng tingin pero parang napako na lang ako sa kinatatayuan.
Kasabay ng paglapat ng labi nila at siya ring pag-init ng magkabilang sulok ng mata ko.
"Cut! Good job!!! "
Kasabay non ang pagpatak ng luha ko. Mabilis na pinahid ko ito at sumenyas kay Julie na pupunta muna akong cottage.
What's up with you, Ella?!
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?