Chapter 19 💄💋

179 9 1
                                    

[Ella's POV]

"Good morning class. Kindly pass your assignments. "

Kukunin ko na sana sa bag ko ang notebook sa calculus nang bigla akong may naalala.

Paktay! Hindi ko nasagutan! Kinuha kasi diba ni Cheoli ang notebook ko? Tapos nakalimutan ko na yun dahil sa asaran namin. Kinakabahang tiningnan ko si Julie.

"Hindi ko nagawa ang assignment ko. "

Nanlaki ang mata niya sa narinig.

"Bakit? Try mong sagutan nang mabilisan. Kahit ilang items lang at least may score ka kesa sa wala. "

Grabeng magsalita to. Parang calculator lang ang utak ko ah? Tiningnan ko ang bag ko at mabuti na lang nakita ko ang notebook.

Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Nasagutan na lahat ang sampung equations. Ang ganda pa nang sulat kamay niya. Hindi katulad sakin na parang dinaanan ng bagyo. Pasalamat pa nga ako minsan kung naiintindihan ng Prof ko ang solutions ko. Pinasa ko na ang notebook at tiningn si Julie.

"Ilan lang nasagutan mo? Ang bilis ah. "

"Wala. "

"Ha? Bakit mo pa pinasa ang notebook? Tsaka bago tayo pumasok diba chinicheck mo mga notebook mo? "

"Makakalimutin na ko ngayon. Wala akong may sinagutan kasi may sagot na pala. Sinagutan niya lahat. "

"Ni Cheoli? "

"Oo"

"Wow! Napakatalino pala niya? "

"Oo nga eh. Complete solutions pa nga. May kasama pang checking at imagine,  walang erasures. "

"Yiettt! Mas na in love ka no? "

Inirapan ko lang siya pero kumawala parin ang ngiti sa labi ko.



PE subject namin ngayon at naka PE attire kami dito sa school gym.

"Class, for your final project. I'll require you to prepare a dance performance, by pair. Kayo nang bahala kung sino ang gusto niyong partner para komportable kayong mag practice. No performance, no grade. Understood? "

"Yes ma'am. "

"Okay, face your partner at pag-usapan niyo na ang gagawin niyong performance. I'll be back after 25 minutes. "

Napa 'Yes! ' naman si Julie at hinarap ako. Kung anong saya ng reaksiyon niya kabaliktaran naman nong sakin. Hindi kasi talaga ako mahilig sa sayaw. Oo, gusto kong matuto pero yung sayaw ang may ayaw sakin.




"Anong sasayawin natin, Ella? "

Nasa kwarto kami ngayon at nag-aayos. Magluluto pa kami ng hapunan. Wala si Cheoli kasama niya si Jennifer. Balita ko may mall show sila. Di naman daw super hassle kaya okay lang na wala kami.

"Ikaw ang bahala. Magpapaturo lang naman ako sayo. "

"Choreographer lang ko te? "

Nasa kusina na kami at ako ang nagluluto habang si Julie Nakapangalumbaba sa mesa.

"Folk dance kaya? "

Hininaan ko ang apoy at nakasandig sa sink na hinarap siya. Nakatayo na siya at sumasayaw ng Cariñosa.

"Oo, parang may lalaki tayong kasama ah? "

"Oo nga no? Break dance kaya? "

Sabay pa kaming napangiwi sa naisip. Hinalo-halo ko muna ang chopseuy at nong luto na siya agad na tinakpan ko ito at pinatay ang stove.

Humarap ako sa kaniya na ngayon ay nagchi-chicken dance na at sa dalawang tao na nasa bukana ng kusina. Napako ang tingin nila kay Julie na hanggang ngayon ay todo bigay sa pagsayaw.

Parang ako yung mamatay-matay sa hiya.


"Julie! "

Hindi na ako nakatiis kaya sinigawan ko na siya. Nagtatakang tiningnan niya naman ako.

Nginuso ko ang kinaroroonan ni Joshua at Cheoli. Lumingon siya at biglang nanigas sa kinatatayuan.



"M-Ma... MAMA!!! "

Kumaripas siya ng takbo palabas ng kusina. Napailing na lang ako. Natatawang umupo naman ang dalawa.

"She's good at dancing. "- Cheoli.

"Yeah. She's cute too. "- Joshua.

Naku! Kung narinig niya lang ang sinabi ng future niya, paniguradong nagpagulong-gulong na naman siya sa kilig.

Kumuha ako ng pinggan at binigyan sila. Nakakailang lang kasi sinusundan nila ang bawat galaw ko. Hinanda ko na din sa mesa ang kanin at ulam. Kumuha din ako sa fridge ng tubig.

"Mamaya na lang kami kakain ni Julie. "

"No. Eat with us. "- Cheoli.

"O-Okay. I'll just call her. "

"I volunteer. "

Hindi ko na napigilan si Joshua na umalis. Umupo na lang ako.

"Ah, Cheoli? Thank you pala sa pagsagot ng assignment ko sa calculus. "

"You're welcome. It was easy. I missed schooling. "

Mayabang talaga tong camel na to. Pero may ipagyayabang naman siya. Maya-maya dumating na yung dalawa at pansin ko ang pamumula ng pisngi ng bruha.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon