Chapter 4 💄💋

361 14 4
                                    

[Ella's POV]

"Saan ang punta mo? "

Umagang-umaga nandito na agad sa bahay tong si Julie. Actually, 3 blocks away lang naman ang agwat ng bahay namin.

"Mall. Anong ginagawa mo dito? "

"Abot hanggang bahay kasi ang amoy ng ulam niyo eh. "

"PG ka talaga. Kaw nang bahala dito ah? "

Mabilis na uminom siya ng tubing at naghugas ng kamay.

"Sama ako! Magsa-sight seeing tayo ng papables don. "

"Ikaw lang. "

Nagpaalam kami kay mama na nasa likod ng bahay nagtatanim ng bulaklak.



Sumakay kami ng tricycle papuntang terminal ng Jeep.

"May copy na ba don ng hinhintay mong book? "

"Sana. Sana meron na. "

"Punta pala muna tayong Watson's ah? "

"Sige"

Pagdating sa terminal,  himala at kunti lang ang pasahero. Sabagay day off pala mostly ng mga workers.

Naunang sumakay si Julie at umupo sa right side na pinakahuli kaya sa left side naman ako. Yun nga lang hindi sa dulo dahil may nakaupong lalaki na naka all black at naka mask din.

Paupo pa lang sana ako ng biglang umandar ang Jeep kaya na out of balance ako at napaupo.

Pulang pula ang mukha ko at nanlalaki naman ang mata na nakatingin samin si Julie.






Nakakandong lang naman ako sa lalaki na nakahawak ngayon sa bewang ko na inagapan din yata ang pagtumba ko.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at seryoso lang siyang nakatingin.

"S-Sorry! Sorry po t-talaga! "

Tarantang umalis ako sa lap niya at halos isang dipa ang inilayo ko ng upo.

Buti na lang at tatlo lang kaming pasahero. Ramdam ko pa din ang tingin ng lalaki kaya sa unahan lang ako nakatingin.

Nakahinga lang ako ng maluwag nong bumaba ang lalaki sa sikat na hotel.

Pagkababa ng mall,  naiiyak na niyakap ko si Julie.

"Hiyang-hiya ako !!!"

Hinahagod niya lang ang buhok ko at napatigil lang ako sa pag emote ng marinig ang hagikhik niya.

"Lakas maka-hokage moves ng Jeep ni manong driver! "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon