[Ella's POV]
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sunod-sunod na nangyari sa buhay ko. Pero patotoo ang pitong librong hawak ko na totoo ang lahat. Hanggang dito kasi talaga sa school dala-dala ko ang mga libro. I just fell in love with them.
"Donate mo naman buhok mo Ella oh. Paputol mo na. Masyado na kasing mahaba. "
"Baliw ka ba? Hanggang balikat lang tong buhok ko tapos ipapaputol mo pa? Lalaki ako ghurl? "
"Kasi naman eh! Basta ah? Isama mo dapat ako mamaya pag nakipagmeet ka kay Seungcheol. Alam mo bang mamatay-matay na ako sa takot kahapon nong pinosasan ka? Akala ko tuloy may minurder ka gamit ang libro. "
"Loko! "
"Punta na nga tayong library. Hirap pa namang hanapin yung pinapabasa ni Mr. Lapel. "
Pagpasok sa departure area ng library agad na hinanap ko ang library card ko.
Wala sa bag ko! Binuksan ko ang wallet ko at hindi ko din nakita.
"May problema ba? "
"Nawawala ang library card ko. "
"Paktay tayo diyan! "
Nawalan na ako ng pag-asa nong hindi ko na talaga nakita.
"Saan mo huling dinala ang library card mo? "
"Hindi ko talaga maalala eh. Sa bag ko lang naman yun nilagay. Mahihirapan na naman ako nitong magpagawa ulit. "
"Sinabi mo pa. "
Sa huli, nanghiram na lang siya ng libro at siya na ang nag adjust na magpicture ng babasahin namin at pinadala niya sakin ang libro.
"Thank you talaga Julie ah? Anong gagawin ko kung wala ka? "
"Nga naman. Mawalan ka ba naman ng magandang kaibigan. "
Binabawi ko na nga ang lahat ng sinabi ko. May sa mahangin din tong isang to eh.
A total of 8 books ngayon ang hawak ko at di man lang nakaramdam ng awa tong kasama ko na tulungan ako.
Bumalik kami ng room para sa last period namin at luckily wala si Prof. Naiihi ako kaya susuotin ko na sana ang sapatos ko nang mapahiyaw ako dahil sa sakit.
Nakangiwing kinuha ko ang thumbtack na nakatusok sa paa ko.
Sino naman kayang kumalat nito?
Paika-ikang pumasok ako ng banyo at hinugasan ng mabuti ang paa pagkatapos umihi.
Ang hapdi kahit na maliit na sugat lang. Bumalik ako sa upuan ko at di na hinubad ang sapatos .
"Good afternoon"
Natahimik ang buong klase at maya-maya at napuno ng tilian. Wala akong pake dahil masakit pa din ang paa ko at isa pa busy ako sa book 7 na 'A Dream of Spring'
"Is Bayot here? "
Kung bayot lang pala hinahanap niya tiyak na di siya magsisisi na pumunta sa section namin.
"WE'RE HERE!!! "
Halos sabay na sigawan ng mga beki kong kaklase. Narinig ko pa ang tawa nong lalaki.
"I mean, Ella May O. Bayot? "
Napatigil ako sa pagbabasa at lumingon.
"Ella! Handsome mangnet ka ba? Kilala mo ba iyan? Bakit hinahanap ka? May atraso ka ba? Ninakawan mo ba yan ng libro?
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?