Chapter 16 💄💋

201 12 0
                                    

[Ella's POV]

"Sinabi ko talaga sa harap ni Seungcheol yun? "

Nasa elevator kami ngayon. Mukhang may hang over pa tong si Julie dahil panay pa ang reklamo niya na masakit ang ulo. Kinuwento ko din sa kaniya kagabi ang kalokohan niya kaya ngayon parang may amnesia siya na hindi niya maalala.

"Oo! Isipin pa non lumalandi ako. "

"Eh ano naman sa kaniya? Hindi naman kayo para pigilan niya. "

Napahawak ako sa sentido dahil sa sinabi niya. Oo nga naman no? Ang advance kong mag-isip. Lakas maka assume.

Nasa harap ko siya at nakasandal sa pinto ng elevator. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Boto naman kasi talaga ako kay Wonwoo. Boto din ako kay Cheoli mo. "

"Anong pinagsasabi mo diyan? "

"Naku Ella! Akala mo di ko alam ang nangyari sayo nong may taping sa beach no? Pinagmamasdan ko kaya ang magiging reaksyon mo. Mukhang apektado ka nga. Bakit ka umiyak? "

Nag-iwas lang ako ng tingin sa kaniya. Anong sasabihin ko sa kaniya? Na nagseselos ako? Na gusto ko sa akin lang ang atensiyon ni Cheoli? Na ayaw kong may iba itong kasama kasi nasasaktan ako?

"Bakit nga ba,  Ella? "

"N-Napuwing lang ako non. Mahangin kasi diba? May pumasok lang na buhangin sa mata ko. "

Humalukipkip siya sabay irap.



"Lame and cliché excuses,  Ella. "

"Yun naman kasi ang dahilan eh. "

"Nagseselos ka? "


Wala na ang playful aura ng Julie na nasa harap ko. Seryoso na siya ngayon at possibleng masabunutan niya ko pag di ko inayos ang sasabihin ko.

"O-Oo! Pero wala naman akong karapatan na magselos diba? Kaya huwag mo na lang intindihin yun. "

"Ella, ang feelings hindi binabalewala. Kung ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo siya, ikaw lang ang mahihirapan. Tanggapin mo na lang Ella ang totoong nararamdaman mo dahil di mo yan mapipigilan. Lalalim at lalalim lang yan. You can tell me everything, Ella. What are friends are for? I'll support you as long as your happy and I'll never leave your side when you're hurt. "

Pasimpleng pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko.

"Yes.  I like him. I like him and honestly I'm afraid to get hurt but I'll risk. I'll just go with the flow. Wala naman sigurong masasayang diba? Mawala siguro meron pa, maaaring siya. Thank you Julie. Grabe pala ang epekto ng hang over sayo. "

Napanguso naman siya at maya-maya ay ngumiti ng nakakaloko.


"Di ako makapaniwala! Sa wakes nagkagusto ka na din sa tao. Hindi sa taong nasa libro. I'm so proud of you, Ella. Ako kaya? When can I find my-------"

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at dahil nakasandig siya sa pinto nakita ko ang papabagsak niyang katawan kaya I tried my best na abutin siya pero it's too late.

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon