[Ella's POV]
Hindi talaga ako ito! Sa tuwing pumapasok kasi sa isip ko ang magkadaop naming palad hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Totoo pala ang mga nababasa ko na nararamdaman ng mga bidang babae tuwing kinikilig. Iyong kahit anong pigil mo ay mag-uumapaw pa rin ang sayang nararamdaman mo.
Kagagaling lang namin sa Photo Booth at tinry ulit naming mag cross dress. May costume kasi ng mga Hotel Transylvania part 3,yung beach attire nila. Naka 12 shots din kami. Yung pang last ay tama na ang attire namin.
Kaya ngayon parang loko-loko siyang patuloy na pinagmamasdan ang picture namin.
"Ehem! Ehem! What do we have here? "
Sunod naming narinig ang shutter sound ng camera. Tulalang nakatingin sa kamay namin sina Joshua at Julie habang si Jennifer naman panay ang kuha samin ng picture gamit ang DSLR niya.
Hinila ako ni Julie at Jennifer kaya napabitaw ako kay Cheoli na aangal pa sana pero inakbayan na ni Joshua.
"Anong ibig sabihin non? Bakit magkaholding hands kayo? "
Chismosa talaga ng dalawang to.
"What do you think? "
OA na napasinghap silang dalawa at napatakip pa sa bibig.
"D-Don't tell us, kayo na?! "
Pigil ang ngiti na nagkibit-balikat lang ako sa kanila.
"Ella! "
Napangiwi na lang ako ng hinila ni Julie ang buhok ko.
"Tatahi-tahimik ka lang diyan ah? Solo kilig ganern? "
"Kayo na ba talaga?! Hindi na torpe ang manok namin? "
Kunot-noong binalingan ko ng tingin si Jennifer.
"Manok? "
"Well, manok kasi namin si Seungcheol para sayo. Gusto din namin si Wonwoo pero solid Seungcheol kami. "
"Ewan ko sa inyo. "
"Share na kasi! Alam mo bang matagal ka nang gusto ni Cheoli? "
"Outdated na pala kayo. He said he loves me. "
"Tarayyyy!!! "
Kandangiwi-ngiwi na lang ako sa hampas at kurot na natamo ko sa Manila. Panay pa ang tili nila at sobra pa ang kilig kesa sakin.
Wala na akong nagawa nang hinila na nila ako pabalik sa room namin. Naghanda kami para sa bonfire namin. Wala na kaming problema sa place dahil may reservation na si Rochelle para samin. Buti na lang talaga at kaibigan siya ni Jennifer.
"Let's go girls! Nandon na daw sila. "
Sabay na lumabas kami ng room at nadaanan pa namin si Rochelle sa receiving area na may customer na kausap. Mala oppa ang datingan ng lalaki.
"Ang dalawa talagang yan hindi nawawalan ng sweetness. "- Jennifer.
Parang nagmistulang umaga pa din kahit gabi na sa isla dahil sa maliliwanag na ilaw.
"Sino ba yung kausap niya? "-Julie. Yan din sana ang gusto kong tanungin.
"Si Zing niya. Her husband. Ang gwapo no? Kaya masaya ako sa best friend ko na yan dahil sa wakas nahanap niya din ang taong para sa kaniya. "
Grabe , napakaswerte nga naman niya. Actually, they both look cute. Parang nagliligawang teenager lang sila kanina.
Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ko dahil sa nadatnab namin. Parang nawalan ako ng gana at gusto kong manghina.
Masayang nag-uusap si Joshua, Cheoli at Persephone. Naka bra lang siya na kulay itim at shorts kaya mas lumabas ang kaputian niya. Panay din ang lingkis niya sa braso ng pagmamay-ari ko. I have no idea that love can be this territorial and possessive.
Nakuha namin ang atensiyon ni Joshua kaya kinalabit niya si Cheoli na mabilis na lumapit samin. Hinawakan niya ako sa braso at iginaya paupo sa tabi niya. Napuno ng daldalan nila ang paligid habang nag-iinuman sila at nagluluto bg marshmallow sa apoy.
"Hi Ella? "
Nabaling ang tingin ko kay Persephone na nasa tabi ni Cheoli. Dibale napagitnaan namin si Cheoli.
"Yes po? "
"Want to drink? "
Inabutan niya ako ng isang note ng beer. Mabilis na pinigilan ni Cheoli ang kamay ko sa pag-abot.
"No Ella. You'll get drunk. "
"Come on, Seungcheol. One bottle won't knock her down unless she's weak. "
Napakuyom ako ng kamao at medyo padabog na hinablot ang bote.
"Thanks for this. "
I tried my best na hindi magtunog sarcastic. Ayaw kong magmukhang rude kahit na gustong-gusto ko. How dare she calls me weak.
"Are you sure, Ella? "
"Yes. "
"Paano pag nelasing ka? "
"Hindi mo naman ako pababayaan diba? "
Ngumiti na naman siya kaya di ko napigilang mahawa. Pabirong pinitik niya ang ilong ko.
"Of course! Takot ko nelang pag penakawalan kita. "
Cheesy talaga nitong camel na to. Ang weird talaga pag in love ka no? Noong una, pag nagtatagalog si Cheoli medyo naririndi ako kasi nga diba kumukulot ang dila niya and he looks trying hard. Pero ngayon parang lullaby sa tenga ko ang pagkaslang niya and he sounds cute every time he speaks tagalog.
"Ehem!!! Mamaya na munang lambingan people! Let's play a game! "
Kahit kailan talaga napakapanirang moment nitong si Jennifer. Kung hindi siya , si Julie naman.
"I'm in! What game? "- Persephone.
Kabagin sana siya sa suit niya. Alam kong nilalamig siya kasi pansin ko pa ang pananayo ng balahibo niya sa braso.
"I know it's old but gold. Charan!!! Spin the bottle with the consequence of truth or dare. "
Nagsi-sang-ayon na ang lahat kaya sumali na ako kahit na bantog ako na KJ noon pagdating sa games.
Unang huminto ang bote kay Joshua at si Persephone ang mag-uutos sa dare na pinili ni Joshie.
"Kiss the girl you think the most beautiful girl in your eyes tonight. "
Parang kisapmata na nakalapit si Joshua kay Julie at hinalikan ito sa pisngi. Umulan ng tuksohan dahil sa nagyari. Pulang-pula naman ang bruha na yumakap kay Joshua.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?