Chapter 22 💄💋

171 10 0
                                    

[Ella's POV]

Ang feeling na parang hinihiwa yung bungo mo ng scalpel dahil sa sobrang sakit. Yan ang naramdaman ko pagkagising ko.

Nakangiwing tinungo ko ng banyo at naligo. Hindi na talaga ako iinom! Hindi ko naman alam na mapapaaga ang pangangailangan ko ng alak. Nadala lang kasi talaga ako ng selos. Kakahiya pa dahil hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Wonwoo.

Bumaba ako ng kusina at hindi na ako nagulat nang makita kong alas onse na ng umaga. For the first time absent ako at sana walang test na magaganap though it's impossible.


"Drink this. "

Parang hindi ko kayang salubungin ang tingin niya dahil baka may kalokohan akong nagawa kagabi. Inabot ko ang gamot at tubing na binigay niya.

"T-Thank you. "

"You can rest for a while. I already cooked our lunch. "

Nagpasalamat ulit ako sa kaniya na hindi parin siya tinitingnan. Baka tuksuhin pa niya ako dahil sa eye bags ko na medyo nangingitim. Kahit na naligo na ako siguro mukha pa din akong sabog.

Dahil wala naman akong magawa nagpatugtog na lang ako sa loob ng condo niya. Medyo nawala din sa wakas ang pananakit ng ulo ko. Kumuha ako ng libro at sa sofa na nagbasa. I know na ang weird ko. Malakas ang tugtog pero nakuha ko pa talagang bumasa. Isa yan actually sa weird hobby ko at alam kong hindi lang naman siguro ako ang may hobby na ganto. Minsan nga nakakapag-concentrate pa ako kapag nag-aaral na naka earphone at nakikinig ng relaxing music. Multitasking ba.

Hala! Ngayon ko lang naalala na may sinuggest palang kanta sakin si Wonwoo. Actually siya talaga daw ang kumanta. Hinanap ko sa playlist ko ang kanta. Umalingawngaw sa loob ng condo ang boses niya. Hindi ko nga napansin na napatigil na pala ako sa pagbasa at nakatulala na lang na nakikinig sa malamyos niyang boses. Sobrang napakarelaxing at napakaklaro ng bawat bigkas niya. Nasa magandang part na ng kanta nang biglay may pumatay nito.

Automatic na nagsalubong ang kilay ko kay Cheoli na siyang pumatay ng speaker. I looked at him with anger.

"You know I'm listening to it right? "

"Yes"

Ayaw na ayaw ko talaga kapag biglang pinatay o inistorbo ako sa pakikinig. Naiirita talaga ako. I also hate it when someone snatches the book that I am reading especially when I'm already at the saddest part of the story. I hate being interrupted.

"Then why did you stop it?! "

"You have no taste in music and you're reading. Can you still concentrate? Wow. "

"Well sorry to burst your bubble but that's one of my talent. How dare you say that I have no taste in music?  What's your problem? "

"You? What's your problem? Why so pissed? "

"You still have the guts to ask that?! Inistorbo mo ko! "

"Hey hey, calm down. "

Nakuha niya pa talagang ngumiti at mukhang pinagtatawanan pa ako. Makakatikim ng karate talaga to sakin.

"Play the music then. "

"No. Never. "

My fists formed into a circle. May imaginary angry veins na din sa sentido at noo ko.

"Ikaw na kamelyo ka! "

Iritang nilapitan ko siya at pinameywangan. I tried reaching the speaker but he keeps on blocking my way. Parang nakikipaglaro pa siya ng patintero sakin.

Malapit na talaga akong mag super saiyan. Dagdag pa ang hang over ko na parang bumalik dahil sa camel na to.

"I can see imaginary smokes coming out from your ears and nose. "

"I'm done! "

"What? "


"I'm done! Tapos na kong magtimpi! "

Mabilis na inabot ko ang buhok niya at sinabunutan siya.

"Ouch! Hey! Stop it! Stop pulling my hair! "

I tightened my grip on his hair pero agad namang lumuwang dahil sinundot niya ko sa tagiliran kung saan malakas ang kiliti ko. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng kiliti at ni hindi ko makuhang tumawa.

Nahuli niya ang dalawang kamay ko kaya sinipa ko siya sa binti at agad niya kong nabitawan.

"Woah! You're so brutal! "

Tumatawang inayos pa niya ang buhok niya.

"Bakit ba kasi pinatay mo ang music! Inis na inis na ako, Cheoli!!! "

"Pengit ang boses niya. "

My eyes widened not because of what I he said but the language he used.

"N-Nagtagalog ka?!"

"Benge ka? "

"Himala! Kailangan mo lang palang masabunutan eh! "

"Mesakit ang ulo ko. My body's still aching too. I carried you last night. You're heavy. Baboy. "

Nagpanting ang magkabilang tenga ko at umigkas ang kanang paa ko at nasapol siya ng sipa ko sa tagiliran na ikinadain niya.

"Taekwondo black belter ka ba?"

Sapo-sapo niya ang bewang niya at panay ang ngiwi.

"No pero kaya kitang patumbahin kahit mataba ako! Mas mataba pa nga yang gilagid mo sakin eh! "

"Hey! That's below the belt! "

Lalapitan niya na sana ako pero sinipa ko ulit siya na agad niyang nasalag. Hawak niya ang kanang binti ko kaya isang galaw ko lang nawala ako ng balanse. Basag talaga bungo ko nito!

Narinig kong may dumaing pagkatapos humampas ng noo ko sa matigas na bagay.

"Arghh!!! Ang sakit! "

I opened my eyes and I saw myself lying on his top. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nasa likod ng ulo ko ang dalawang kamay niya na parang pinoprotektahan niya ito sa pagkabagok. Napagtanto ko din na inagapan niya ang pagbagsak ko sa sahig kaya alam kong masakit ang ulo at likod niya.


"O-Okay ka lang, Cheoli? "

Mabikis na tinukod ko sa magkabilang gilid niya ang kamay ko para tumayo kaya lang nadulas ang kanang kamay ko at dire-diretsong bumaba ang labi ko sa labi niya at sa lakas ng impact pakiramdam ko dumugo ang labi ko.


"I'm ho----- Ayyy bold!!! "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon