Chapter 8 💄💋

283 12 1
                                    

[Ella's POV]

"Hulog ka talaga ng langit, Ella! Sobrang mahal mo talaga ako to the point na sinama mo ko sa condo ni Seungcheol. "

Nag-e-empake kami ngayon ng gamit namin dahil lilipat na kami sa condo ni Cheoli. Ako ang nag request na hindi mananatili sa condo niya if hindi ko kasama si Julie. Pumayag naman siya. Naipagpaalam niya na din kami sa mga magulang namin na pinagtabuyan agad kami.

"Siyempre! Para may panangga ako pag sinugod tayo ng tagahanga niya. "

"Ang sama mong kaibigan! "






-----------------------------------------------------------------

"Jennifer, I want you to meet my Personal Assistant, Lucky and her friend, Charm. "

Nagkatinginan kami ni Julie at bumunghalit ng tawa. Hanep makabigay ng pangalan! Confident na confident.

"Is there something funny? "

Salubong na ang kilay niya at nakita ko pang nagpigil ng tawa si Jennifer.

"Actually, I'm Ella May and she's Julie. Where did you get that Lucky and Charm,  Cheoli? "

"Cheoli? "

Time naman ngayon ng manager niya na tumawa. Mas humaba naman ang nguso ni Cheoli. Mukha na siyang batang aping-api.

"I like your guts, Ella. Bakita pala Cheoli tawag mo sa kaniya? "

"Hala? Nagtatagalog ka po? "

"Yes naman. Pure Filipina ako. Nakakaintindi din ng Tagalog yang si Seungcheol di nga lang mahusay magsalita. Mas fluent talaga siya sa English at Korean cause he's full Korean. Back to the question pala? "

"Ah, parang gusto ko lang po siyang tawaging Cheoli eh. Cute naman po diba? "

Napatili ako nang bigla akong inakbayan ni Cheoli.

"So you think I'm cute? "

"Dream on, Cheoli! "

Sa wakas nakaalis din ako sa akbay niya.

"Cute ba yun? "

Bigla bigla naman tong nagsasalita si Julie.

"Sa tingin mo hindi? "

"Diba yung Cheoli, yun yung dumi sa tenga? "

Nagkatinginan kami ni Jennifer.

"Ha?!"

"Yung sa tenga nga! Cheo-Cheoli yun diba? "

For the second time lumuluha na kami sa katatawa ni Jennifer habang si Cheoli naman eh nakangiwi lang.

"Tutuli yun! "

Napatakip naman siya sa bibig niya nong marealize.

Busy ako sa pagpupunas ng luha ng biglang hinawakan ni Cheoli ang panga ko at saka siya na ang nagpunas ng luha ko.

Naramdaman ko na naman, yung pagbilis ng tibok ng puso ko at parang kinakapos ako ng hininga.

Nabalik lang ako sa katinuan nong tumikhim si Jennifer.

Pumwesto ako malayo kay Cheoli. Nasa harapan namin si Jennifer at nag-e-explain siya samin ng schedule ni Cheoli at kung ano ang dapat kung gawin at kung ano ang maitutulong ni Julie.

"Tomorrow, may press conference si Cheoli para sa upcoming romance movie niya. 10 AM magsa-start kaya as early as you can, ihanda mo na ang lahat ng kakailanganin niya. "

"Sige po. Roger that. "

"And for you Cheoli, don't be such a hardheaded to Ella. Remember that she herself will wakes you up if you'll ignore your alarm clock. Understood?"

"Okay"

"Okay! Everything is settled. Uuwi na ako. Hope you'll get along with each other. Good luck! "

Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon