[Ella's POV]
Halos manliit ako habang pinapanood ang bawat galaw ni Hwasa at parang wala siyang buto sa katawan dahil sobrang galing niyang sumayaw. Yung katawan niya ay parang uod lalo na sa parteng bewang niya.
Tinuturuan na kami nila ngayong dalawa at walang kahirap-hirap na nakuha ni Julie ang lahat ng steppings. Ako naman so far medyo kinakaya kahit di medyo kaya. Ang gulo ko no?
"It doesn't mean that we need to follow her steps. We can make our own and reduce those too sexy moves and replaced by easy one. Don't think that you can't do it. Just go with the flow and live with the beat and surely your body will follow without knowing it. "
Na inspired ako dahil sa sinabi ni Cheoli. Hindi naman pala ibig sabihin na kung hindi mo kaya ang isang bagay ay hindi mo na talaga makakaya. Kailangan mo lang talagang i-try ang best mo at isiping kung kaya nila kaya mo din. Believe in yourself na lang talaga. Natapos ang practice namin na puno ng saya. Hindi din nawala ang injury na si Julie ang maswerteng na sprain haha! Ang sama kong kaibigan dahil tinawanan ko pa. Parang di niya naman iniinda ang sakit eh dahil busy siya kakatitig kay Joshua na siyang may buhat sa kaniya. Siya lang siguro ang na sprain na imbes sakit ang maramdaman ay kiliti pa.
"The PE Culmination Program is finally open! Enjoy your day everyone! "
Napuno ng drum rolls ang gymnasium . PE culmination na po namin at napuno ng iba't-ibang kulay ang paligid na nagmumula sa costume ng mga performers.
"Kinakabahan ako, Julie. Tingnan mo sila oh? Dating pa lang ng costume nila mukhang hindi na matitibag. "
Ang costume kasi namin ay simpleng-simple lang. Black leggings, sleeveless with black jacket, tennis tapos nakatirintas ang buhok namin na may highlights pa. Simple din ang make up namin pero medyo na-emphasize lang ang nilagay na black eyeliner at dark red lipstick.
"Aanhin mo ang bonggang costume kung di naman kagandahan ang performance at isa pa wala naman sa criteria ang costume eh. "
Tama nga naman tong si Julie. May nakita pa kaming naka ballroom at ballet costume. May naka-bahag at naka-folkdance costume. May naka-gymnast din na siyempre kabilang sa PE Major. Panigurado na sila ang sa-stand-out mamaya. Naayos ang sequence ng performance through draw lots. Nauna ang Education Department na pangungunahan ng PE Major.
Nagsimula ang performance na halos ayaw ko nang itikom ang bibig ko sa sobrang pagkamangha ng mga performance nila. Indeed, they deserve to be in PE Major. Parang gusto ko nang umatras lalo na nong may nagbreak dance na may kasama pang backup dancer. Okay lang na may kasamang backup dancer basta ang grades parin nila ay base sa performance at audience impact.
Ang criteria lang naman ay 50% performance at 50% audience impact for a total of 100%.
Naging mabilis ang flow ng performance dahil minimum of 3 minutes at maximum of 5 minutes lang naman ang music. Hanggang sa Major in Social Science na kaya pangwalong performer kami out of 15 pairs. Grabe na yung kaba ko. Nagliliparan na naman sa tiyan ko ang mga paru-paro.
"Nakahanda na ba ang music natin? "
"Titingnan ko lang. "
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at pagbukas ko ay may isang message.
From: Cheoli 🐫😂
Good luck, Lucky. Break a leg. 💪
Message lang naman pala niya ang makakatanggal ng kaba ko.
Nilagay ko na sa music ko ang phone ko para mamaya iko-connect ko na lang sa speaker. In-airplane mode ko na din para in case na may mag text kahit na wala naman ay hindi masisira ang performance namin at hindi kami magmukhang kahiya-hiya.
"The next performance from Social Science Major! Let's give a round of applause to Ella May Bayot and Julie Mae Taguan. "
Binigay ko ang cp ko sa sound facility at pumwesto na kami sa gitna ng court. Pagkasimula ng music at kahit gusto ko mang ipikit ang mata ko ay kinombinse ko ang sarili ko na makakaya ko to. Rinig ko ang malakas na cheer ng mga kaklase ko. Nagkatinginan kami ni Julie at kitang-kita ko sa mga ngiti niya na sobrang nag-eenjoy siya sa performance namin kaya naman ginanahan ako at namalayan ko na lang na todo bigay na ako at pakoramdamam ko kaming dalawa na lang ni Julie ang tao.
Nasa chorus part na kami ng biglang lumakas ang hiyawan ng mga estudyante lalo na ng mga baklush at kababaihan.
Nasa pivot steps na kami kaya dahil don nakita namin ang dalawang tao na naka over all black din. Black hoodie at mask.
Nagtama ang mata namin ng isang lalaki at agad na kinindatan ako.
Anong ginagawa nila dito?! Wala to sa plano ah?
Natapos ang performance namin at agad na nagyakapan kami ni Julie. Ang sarap pala sa feeling na sobra kang nag enjoy. Kakalas na sana kami sa yakap pero may pumalibot naman ulit samin ng yakap.
"That was awesome. "- Cheoli.
"You gave both of your best. Congratulations. "- Joshua.
BINABASA MO ANG
Superstar's Personal Assistant (COMPLETE ✅)
FanfictionWhat if na in love ka sa taong pinapangarap ng lahat? What if ang unang pagkikita niyo ay parang sa fairytale na Snow White na may nangyaring unexpected kiss?