Chapter 1 - Meet the 3 boys

2.9K 29 0
                                    

Author's note: hindi ko pa po na i-edit yung ibang chapters, kung may typo po sorry.

*******************

Claire's POV

Nagising ako sa sikat ng araw. Naramdaman ko ang mainit na silaw na nanggagaling sa araw.

Agad akong bumangon at napangiti sa araw.

"Thank you Lord!" sigaw ko sabay taas ng mga kamay ko sa ere para i-stretch. Ayoko pa sana bumangon dahil kulang ang tulog ko kaso magme-meet kami ng kaibigan ko.

Nagbihis muna ako at nagsipilyo, bago bumaba at kumain.


Nagkape lang ako, dahil mag me-meet kami ni Zoe sa labas mamaya. Dapat kakain din kami no! Kung hindi, hindi ko talaga siya kakausapin. Pagkatapos kong magbihis pumunta na ko sa mall kung saan kami magkikita ni Zoe.


"Bakla!" Sigaw ng isang babae sa likoran ko, siya nayan. nilingon ko siya sa likod.


"Oh. anong gagawin natin dito?" tanong ko. Lumapit siya sakin at tinignan ang relo niya.


"May bibilhin lang ako, at may ime-meet." tugon niya.


"Wag mong kalimutan yung pagkain ko." biro ko. Inirapan niya ko pero tumawa din.

"Oo na! Kakain din tayo." tugon niya. "Ikaw talaga, ang takaw mo." Naiiling niyang sabi.


Pagkatapos bilhin ni Zoe kung ano man yung kailangan niya, iniwan ko muna siya para pumunta sa C.R. paglabas ko sa C.R hinanap ko yung phone ko para tawagan si Zoe pero...


"Clarissa!" sigaw ng lalaki. Alam ko na kung sino yun, nilingon ko si Isaac.


Tumakbo ako papalapit kila Isaac. Isaac opened his arms widely, I smiled and hugged him, kasama niya na si Zoe.

Matagal ko rin hindi nakita si Isaac. I missed him so much kahit palagi niya kong inaasar.


"Let's go." yaya ni Isaac. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinaasan siya ng kilay.


"San tayo pupunta?" tanong ko.


"Lunch." maikling tugon niya. Automatic akong napangiti.

"Basta pagkain ang saya mo no!?" Natatawang sabi ni Zoe. Natawa din si Isaac, napanguso nalang ako.


"Pwede ba tayo magsama ng isa pa?" nagpacute ako. Alam kong hindi matatanggihan ni Isaac ang puppy eyes ko eh.


"Sure." Tugon niya.


Pumunta muna kami sa apartment ko para sunduin si Kath. Tinext ko na siya kanina na magbihis, para makaalis kami agad.


"Hi." bungad niya nung pumasok siya ng sasakyan ni Isaac.


"Katherine!" niyakap ni Zoe si Kath.


"Ate Zoe!" ani Kath.


"Hala, ba't nandito ka?" tanong ni Zoe.


"Ah..." hindi alam ni Kath ang sasabihin.


"Vacation." tugon ko, lumingon ako sa likod at nginitian si Kath.


"Oh, kasama mo ba kuya mo?" si Zoe


"Y-yeah, but I'm staying with ate Claire, cause I missed her." tugon ni Kath.


"Who is he?" tanong ni Kath. Na sa daan na kami. Napatingin ako kay Isaac na nakangiting nakatingin sa rearview.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon