Claire's POVKINABUKASAN
Ayokong pumasok ngayon sa school dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Zac. sure ako na kasama nanaman sila ni Zoe.
Aishhh bahala na nga!
Maaga akong nagising dahil may practice kami ngayon. Pagdating ko sa school nagtago muna ako at tinignan kung nandun sila Zac. nakahinga lang ako ng maluwag nung hindi ko sila nakita.
Naglakad na ko papasok sa school nung biglang....
"Claire!" sigaw ni Zoe.
Napahinto ako at napikit ang mga mata ko. Imbes na lingunin ko siya naglakad ulit ako. Tinawag niya ang pangalan o ng ilang bese pero hindi ako huminto. Pagdating ko sa gym tumabi agad ako kina Sophia.
Nung pumasok sila Zoe yumuko ako at nagiwas ng tingin. Nag kunwari akong may hinahanap ako sa loob ng bag ko.
"Huy, ba't mo ko iniwasan kanina!?" bungad ni Zoe.
Nag-anagt ako ng tingin sa kanya. "Ha? A-anong pinagsasabi mo?"
"Tinawag ko yung panagalan mo kanina sa parking pero hindi mo ko pinansin!" paliwanag niya.
"A-ah hindi ko narinig sorry."
"Tss."
"Sorry talaga. Hindi ko talaga narinig."
Pagkatapos ng practice umiwas parin ako kina Zac.
DISCUSSED
DISCUSSED
DISCUSSED
Male-late daw ang teacher namin kaya pumunta muna ako sa locker ko dahil nakalimutan ko ang isang notebook ko.
Pagkasara ko sa locker...
"Ay palaka!" sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Ba't ka ba nanggugulat? At bakit nandyan ka?" masama ko siyang tinignan.
Nakasandal ngayon si Zac sa locker na katabi ng locker ko. Nakapamulsa siya at deretcho ang tingin sakin.
"Are you avoiding me?" tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi."
"I don't believe you." tinignan ko siya ng masama.
"Edi wag." inis kong sabi tsaka ko siya nilagpasan at umalis na.
Pero hindi pa ko nakakalayo hinawakan niya ko sa palapulsunan ko at hinila ako palapit sa kanya. Nabangga tuloy ang likod ko sa dibdib niya.
"Ano ba!?" sigaw ko. Hinarap ko siya.
"You're mad at me." mahinahong niyang sabi.
"Sabi nang hindi eh. Ang kulit." tinalikuran ko siya pero hinila niya nanaman ako.
"Ba't ka ba galit sakin?" salubong na ang kilay niya.
"Hindi ako galit sayo." seryoso ang mukha ko.
"Eh bakit mo ko iniiwasan?"
"Hindi kita iniiwasan!"
"Eh ba't sinisigawan mo ko?"
"Ang kulit mo kasi eh." tinalikuran ko siya pero hinila niya ulit ako palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...