Chapter 15 - Nalaman

603 21 5
                                    




Claire's POV


Sobrang gutom na gutom na talaga ako. Last class ko na to, tapos practice. Sinabi ko kay Zoe kanina kung bakit hindi ako naka attend sa ibang klase namin.


DISCUSSED

DISMISSED

PRACTICED


Pagkatapos ng practice namin sinabi ko kay Zoe na kumain kami sa labas. Tamad kasi akong magluto at gutom na gutom na talaga ako.


Pagdating namin sa isang fast food nandun nanaman ang tatlo kasama si Rhian. Hindi pa napansin ni Zoe sila Zac, nagiwas din ako ng tingin para hindi nila ako mahuling tumitingin samin. Naghahanap kami ni Zoe ng mauupuan.


"Baby Zoe!" sigaw ni Keith.


Nilingon naman namin siya ni Zoe. nung nagulat si Zoe nagkunwaring nagugulat din ako.


Lumapit kami dun sa kanila. "Tsk! Tsk! Tsk! Sinasabi ko na nga bang may gusto ka sakin baby Keith." biro ni Zoe.


"Huy kami nauna dito! Tutuusin nga parang ikaw pa ang sumunod dito eh, baka ikaw ang may gusto sakin!" tugon ni Keith.


"Excuse me may iba akong gusto!" inis na sabi ni Zoe.


"Sabayan nyo na kami." biglang sabi ni Dom.


Biglang namula naman si Zoe. "a-ah sige." tugon niya.


Jusko naman, yung gitna talaga nila Dom at Zac ang bakante!!!!!


Katabi ni Zoe si Keith, gustong gusto niya sa upuan ko pero hinila kasi siya ni Keith, kaya napilitan siyang umupo dun.


Sila Zoe at Keith ang um-order. Parang gusto ko ng malamon ng lupa dahil ang awkward. Walang nagsasalita samin!!!!

Tinanaw ko sila Zoe, malungkot siya at nakatingin kay Dom.


Hay naku patay na patay talaga yung kaibigan ko kay Dom. gwapo naman kasi siya eh, baka pati ako mahuhulog kay Dom kung wala lang akong ibang crush.


Nung makabalik sila Zoe tumayo ako.


"Zoe palit tayo." sabi ko.


Natigilan naman siya. "H-ha?"


"Palit tayo kako." nilapitan ko siya at kinindatan.


"Wag bes!" bulong niya sakin.


"Kanina ka pa malungkot, kaya sige na alam ko naman bet na bet mo eh." bulong ko pabalik.


"Bes hindi ko ata kaya." bulong niya.


"Huy, umupo na nga kayong dalawa." singit ni Keith.


Umupo ako sa tabi ni Keith, si Zoe naiilang na tumabi sa gitna ni Zac at Dom.


"Ba't nagpalit kayo?" tanong ni Keith.


"Bakit ayaw mo ba kong katabi?" masungit ko siyang tinignan.


"A-Ah hindi g-gusto nga eh."


"Tss."


"Ang galing mong mag Spanish pala Claire." si Keith, kumakain na kami ngayon.


"Ha?" natigilan akong kumain.


"Last week nung kinausap mo si Mr. Cruz." tugon niya.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon