Claire's POVDalawang linggo na ang nakakalipas simula nung umuwi sila ate Zairille at Aaron. Wala naman nagbago, maaga parin nagigisng at late umuuwi dahil practice, at everyday din kaming nag da-date ni Zac. Minsan may pinag-aawayan kami, konting bagay lang like saan kami kakain nag-aaway kami. Pero nag so-sorry naman kami bago kami maghiwalay. Paghinatid lang niya ko okay!? Hindi pa kami at hindi kami maghihiwalay!
Syempre hindi mawawala si Rhian na ang sama ng tingin sakin every lunch time.
Nagkalat nadin ang chismis tungkol samin ni Zac, karamihan nakikilig samin dalawa pero some of them gusto parin si Rhian ang maging girlfriend ni Zac.
Minsan sumasabay samin sila Zac kumain ng lunch pero minsan hindi. Hatid sundi din ako ni Zac. ayaw niya daw na may bumastos ulit sakin sa jeep.
"Hindi ako makapaniwang bukas na yung Interhigh!" sabi ni Zoe.
Lunch time na, na sa canteen kami nila Zoe, Sophia, at Mina. wala kaming practice ngayon para daw makapagpahinga kami para bukas.
"Oo nga eh!" si Mina.
"Wag kayong mag-alala kaya natin to." sabi naman ni Sophia.
Napa buntong-hininga nalang ako. Kinakabahan din ako pero alam ko naman na kakayanin namin, naghanda kaya kami para sa Interhigh.
DISCUSSED
DISCUSSED
DISMISSAL
Paglabas namin ni Zoe sa school, nandun na sila Zac sa parking. agad na ngumiti kami ni Zac nung makita namin ang isat isa.
"Hey." bati niya sakin.
"Hi." tinabihan ko siya, nakaupo kami sa harap ng kotse niya.
"Ano game na ba kayo bukas?" tanong ni Zoe.
"Tch! Kami pa, handang handa na. Diba MVP." tugon ni Keith sabay tingin kay Zac.
"Tss," nilingon niya ako. "Yeah." tuloy niya.
"Dapat manalo kayo Zac, may inspiration kana eh." asar ni Zoe.
"Ayieee!" inasar din kami ni Dom at Keith.
"Mga sira!" binato ko kay Zoe yung hawak kong water bottle, sinalo niya naman at binato pabalik sakin. Buti nalang nasalo ko dahil kung hindi kaming dalawa ni Zac ang matatamaan.
Parang namula ako nung hawakan ni Zac yung bewang ko at inilapit ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang siya.
Na sa ganun kaming sitwasyon nung may kotseng dumating. Napalingon lahat kami at napangiti ako nung bumaba dun si Isaac. Last ko siya nakita nung birthday ni Dad.
Ang laki ng ngiti niya nung bumaba siya sa kotse niya. "Hey pandas!" bati niya samin ni Zoe.
Lumapit si Isaac samin at niyakap si Zoe. "alam mo kahit nakakainis ka miss kita." sabi ni Zoe.
"Ayieee! Miss niya daw ako!" tinusok tusok ni Isaac si Zoe sa braso niya kamit ang dalawang hintuturo niya.
"Parang nagsisisi akong sinabi ko yun." sabi ni Zoe.
"How about you? Did you miss your favorite best friend?" He opened his arms as a sign to hug him.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "I missed you Donkey!" niyakap ko siya sa leeg niya.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...