Claire's POVIt's been 2 months since Tagaytay. Kakatapos lang ang bagong taon, hindi kami nagkasama ni Zac nung Christmas at New Year dahil pumunta sila sa ibang bansa. Ako naman umuwi sa Ilocos kasama si kuya, umuwi din si ate para kumpleto kami.
Kakabalik ko lang kahapon dito sa Manila galing Ilocos. Linggo ngayon, bukas may school na kami. Excited narin akong makita si Zac, 2 weeks ko rin siyang di nakita, pero nag vi-video call naman kami.
Nanonood ako ng T.V sa apartment ko nung makatanggap ako ng tawag sa 'UNKNOWN'.
"Hello?" sagot ko.
["Is this Ms. Clarissa Mendoza?"] sabi ng isang lalaki sa kabilang line.
"Yes, who's this?"
["This is Zac's dad, can we meet?"]
Bigla akong kinabahan, at bumilis ang tibok ng puso ko. "A-ah opo Mr. Rodriquez." tugon ko
["I will just send the address, kung saan tayo magkikita"]
Bago pa ko makasagot binaba niya na. Ay bastos.
Habang na sa taxi ako papunta sa address na binigay niya, hindi parin kumalma yung puso ko. Ang dami kong tanong! Bakit siya makikipag meet? Anong sasabihin niya? Tungkol ba to ay Zac? May nangyari ba sa kanya? Mas bigla akong kinabahan.
Pagbaba ko sa taxi pumasok na ko sa isang mamahaling restaurant.
"Good afternoon po ma'am." bati ng babaeng nagtatrabaho dun.
"Reservation for Mr. Rodriquez." sabi ko.
"This way ma'am." sinundan ko yung babae.
Nag-stop yung babae sa harap ng isang pinto. "He's inside ma'am." sabi ng babae.
Kumatok ako dahil ayoko naman maging bastos. "Come in." sabi ng isang lalaki.
Bumuntong-hininga ako bago ko buksan yung pinto. May isang matandang lalaking nakaupo. He looked exactly like Zac, pero mas mukhang mature tong tatay niya. Syempre matanda na siya eh.
Pumasok ako at nakatayo lang. "Sit down." sabi niya, galit ba siya!? Nanay! Tulong!!!!
Parang nanginginig yung mga tuhod ko habang naglalakad ako palapit sa table, umupo ako sa harapan niya. Dalawa lang kasi yung upuang nandun.
"Are you Zac's girlfriend?" he asked.
"Opo Mr. Rodriguez." sagot ko.
Uminom siya sa wine bago siya magsalita. "Hindi na ko mag paligoy ligoy pa." tinignan ko siya, hala nakakatakot yung tingin niya. Magkapareho sila ni Zac kung seryoso si Zac. "I want you to break up with my son." tuloy niya.
Bumilis yung tibok ng pusok ko, hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Halo halo ang emotion na nararamdaman ko.
"Bakit ho?" tanong ko.
"Because I don't like you for him. I saw some changes in him, he's more matured now than before. He doesn't smoke or drink too much alcohol now, I'm guessing it's all because of you. I'm thankful for that, because you changed my son to be a better person. But I want you to break up with him because you're not worth it for him."
Hindi parin sink-in yung nangyayari ngayon. Parang ayokong tanggapin lahat ng to. Kung bangunguto please wake me up now!!!!!
"Pero Mr. Rodriquez--"
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...