Chapter 6 - Badmood

611 17 0
                                    




Zac's POV


Matutulog na sana ako pero lumiwanag ang phone ko at tumunog ito. Kinuha ko yun at napaupo nung makita ko ang Instagram notification at pangalan ni Claire ang nakita ko.


Notification


Instagram- @Clairegina sent you a friend request.


"Gina? Siya bato?" bulong ko sa sarili ko.


Tinignan ko ang account niya.


20-posts 3.3k-followers 558-following


Clarissa Regina Mendoza


'Claire'


"Siya nga." bulong ko ulit.


Agad ko naman in-accept ang friend request niya and I followed back.


Ibabalik ko na sana sa side table nag phone ko pero sunod sunod na notification ang lumabas.


Clairegina: Are you still awake?


Clairegina: I'm sorry


Clairegina: Zac, can you pick me up?


Zackairo: where are you?


Tumayo agad ako nung tinext niya kung nasan siya. Buti nalang tulog na silang lahat kaya hindi ako nahirapan lumabas sa bahay.


Pagdating ko sa address na sinabi ni Claire nakita ko siya nakayo ko at nakaupo sa hagdan.


Agad tumayo si Claire nung makita ang sasakyan ko. Nag park ako sa harap niya at bumaba sa sasakyan.


"Zac." tawag niya sakin nung makita ako.


Naglakad ako sa harap ng sasakyan papunta sa sakan niya.


"What are you doing here? Malayo to sa apartment mo ha." tugon ko.


Lumingn siya sa likuran niya. "It's a long story." sagot niya.


"Let's go." pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan.


Nung maisara ko yun naglakad na ko papunta sa driver seat. Tahimik lang kaming dalawa habang na sa daan. Minsan nililingon ko si Claire pero sa labas lang ang paningin niya.


Pagdating namin sa tapat ng apartment niya hindi pa siya bumababa.


"I'm sorry." she said and looked at me.


Kumunot ang noo ko. "For what?"


Iniwas niya ang paningin niya sakin. "Earlier..." binasa niya ang ibabang labi niya gamit ang dila niya. "I talked to my ex...he said he wanted to get back. But I said no because I said I have a boyfriend." she looked at me.


"What's wrong with that?" I asked.


"I used you...yung deal natin na maging fake girlfriend mo ko, ginamit ko yun. But don't worry I didn't tell him your name, I just said I'm in a relationship." paliwanag niya.


"It's fine." tugon ko.


"Hindi ka galit?" kumunot ang noo niya.


She's so cute and innocent


Ginulo ko ang buhok niya. Agad niya naman inayos yun at ngumi sakin.


"No." Maikling sagot ko.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon