Chapter 32 - First Day Ligawan

490 20 2
                                    




Claire's POV


Kahit kulang ang tulog ko excited akong bumangon ngayon. Hindi nanaman ako kumain ng breakfast, na sa labas na daw si Zac kaya binilisan ko talagang magayos. Nung lumabas ako nakasandal siya sa kotse niya. Agad siyang ngumiti ng napaka laki nung makita niya ko.


"Morning!" bati ko.


"Morning. Let's go?" tumango ako.


"How's you sleep?" I asked.


"Ang sarap. Ikaw?" nilingon niya ko.


Nakagat ko yung ibabang labi ko. "Same." nahihiyang sabi ko. Tumawa naman siya ng mahina.


Pagdating namin dun sa school nandun sila Keith, Dom, at Zoe. nagpark si Zac sa harap nila. Nung bumaba ako tinaasan ako ng kilay ni Zoe. si Keith at Dom naman nanunukso. I think they know.


"Morning guys." bati ko.


"Parang ang saya ng gising niyong dalawa ha. Tukso ni Keith.


"Wala naparami lang ng tulog." tugon ko, tsaka nilingon si Zac. nginitian niya ko.


"Tara na." ayako. Inakbayan ko si Zoe at umalis na kami dun, sumunod naman sila Zac samin.


"Huy ba't kayo magkasama?" bulong ni Zoe.


"Kwento ko mamayang lunch." tugon ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.


PRACTICED

DISCUSSED


DISCUSSED

DISCUSSED

DISCUSSED

LUNCH


"So...tell us now." si Zoe. na sa canteen na kami ngayon.


Kanina pa kinukulit ni Zoe tungkol kay Zac. kaya wala ng choice kundi sabihin sa kanya at kila Sophia at Mina.


"Ah..." ewan ko bat ako kinakabahan.


"So..." sabay nilang sabi, tsaka lumapit siya.


Nakagat ko yung ibabang labi ko. "Nanliligaw na si Zac sakin."


"Waaaaaaaaahhh!" sigaw nilang tatlo, ayan tuloy napatingin lahat samin!



"Pwede ba wag kayong maingay!" sita ko sa kanila.


"P-pano? Kailan? Saan?" sunod sunod na tanong ni Zoe.


"Huy Zoe, pagsalitahan mo nga muna si bakla!" sita ni Mina kay Zoe. "so ano nga? Saan siya nagtapat sayo? Paano niya sinabi sayo? Kailan niya sinabi sayo? Kailan mo siya pinayaga---- ARAY!" binatukan ni Sophia si Mina.


"Akala ko ba pagsalitahin si Claire, eh ba't ikaw naman tong tanong ng tanong!?" sigaw ni Sophia.


"Sorry naman nadala lang!" si Mina


"Sinabi niya lang sakin kagabi. Pagkauwi natin galing Ilocos." pagkukwento ko.


"Tapos?" sabay sila. Kinikilig na sila!


"Tapos may pinuntahan kami, It was beautiful and perfect." inalala ko kung ano ang nangyari kagabi. "Tapos nagsayaw kami, then he said he liked me. Tapos nagtapat din ako sa kanya."


"Sinasabi ko na nga bang may gusto ka sa kanya eh! Todo denied ka lang!" si Zoe.


"Oh my god! Ang sweet!!!!" si Mina at Sophia.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon