Chapter 37 - I Love You

560 17 1
                                    




Claire's POV


KINABUKASAN


Akala ko susunduin nanaman ako ni Zac pero wala siya paglabas ko, kaya ng jeep na ko papunta sa Ernest. Dun ulit kami maglalaro para sa volleyball. Pagdating ko dun sa waiting area nandun na sila.


"Good morning bakla." bati sakin nila Mina, Zoe, at Sophia.


"Morning." sabi ko sa kanila.


Na sa ganun kaming sitwasyon nun pumasok si coach. Sinabi niya samin na mamaya padaw yung game namin after badminton and tennis.


"Tara kain tayo." aya ko sa kanila.


"Hindi ka nanaman ba kumain?" tanong ni Zoe, umiling ako.


"Let's go, gutom din ako." sabi ni Mina sabay akbay sakin.


Marami din mga estudyante sa canteen dito sa Ernest, hindi naman kami nahirapan pumunta dito dahil malapit lang to sa waiting area namin.


"Hindi pa ba kayo ayos ni Zac?" tanong ni Sophia, kumakain na kami ngayon.


Umiling ako. "Hindi pa." bulong ko.


"Hindi parin ba siya nag so-sorry sayo?" tanong ni Zoe.


"Maraming beses na siyang nag sorry sakin." tugon ko.


"Oh eh anong problema?" tanong ulit ni Zoe.


"Pinatawad ko na siya pero...hindi ko siya kinakausap." bulong ko.


"Hay naku!" silang lahat.


"Ganun ba kalala yung misunderstanding niyo!?" si Sophia. Hindi ko siya sinagot.


"You guys should fix kung ano man yung problema." saabi ni Mina.


"Eh anong dapat kong gawin?" tanong ko sa kanila.


"Well hindi namin alam, dahil hindi naman namin alam yung nangyari. Pero mas mabuti kung pagusapan niyo hindi yung iniiwasan mo siya. Napapagod din ang mga lalaking mag sorry no." sagot ni Sophia.


"Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan." tugon ko.


"At sa tingin mo alam namin!? Nakakatakot kaya siya pero gwapo hihihi." sagot ni MIna.


Bumuntong-hininga nalang ako at inisip kung ano ang gagawin ko.


Hindi ko alam pero nakakaramdam parin ako ng inis sa kanya pero gusto ko na kaming magbati. Pero paano!? Paano ko siya lalapitan? Baka kung kakausapin niya ko dun ko siya kakausapin. Tama! Yun ang plano pero...paano kun hindi niya ko kausapin? Should I talk to him first? Or let him be the one?


Aissssshh! Hindi ko alam!


"Guys nag text sakin si Keith," sabi ni Mina, napalingon naman kaming lahat sa kanya. "Kasama niya sila Zac, late daw sila makakapunta sa game natin." tuloy niya.


"Okay lang, basta makaabot sila. Hihihi." tugon ni Zoe. bumuntong-hininga ako.


Pagkatapos ang laro ng Tennis nagtambay na kami sa waiting area namin. Maya maya lang tinawag na kami ni coach. Pagdating namin sa gym ang ingay nanaman, napalingon ako kung saan umupo noon sila Zac. at parang bumilis ang tibok ng puso ko nung nandun na sila kasama yung dalawa at...aisssssh! Si Rhian!


Nagiwas na ko ng tingin. Mas nainis ako ngayon! Parang gusto kong manapak ngayon! Yun nalang bola mamaya!


Pangminamalas ka naman yung upuan ko pa sa tapat nila Zac. aisssshhh! Nakatayo parin ako at pinatong yung bag ko sa upuan pero nagulat ako nung tumayo sila Keith at Dom na may hawak na banner.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon