Claire's POVTatlong araw na ang nakalipas nung masaksak ako, Na sa apartment na ko ngayon. Kaka confine ko kahapon. Sabi ni kuya dun muna ako sa condo niya para mabantayan niya ko pero humindi ako.
Gusto ko ng pumasok pero sabi ng mommy ni Zac si Dr. Rodriquez magpahinga daw muna ako dahil baka mabigla ang katawan ko at bumukas ang sugat ko! Ayoko naman yun kaya sinunod ko nalang siya!
Dapat magaling na yung sugat ko bago ang birthday ni dad dahil imbes na mag-alala sakin si dad pagagalitan ako.
KINABUKASAN
Friday ngayon. And at last makakapasok na ko!!!!! Hindi ko alam kung excited ako'ng pumasok dahil sa pag-aaralan namin or baka dahil sa kanya!
Baliw na talaga ako sa kanya!
I've fallen for him but how can I tell him my feelings if he's in love with someone else. I've fallen for him and I finally realized it but it's too late at hanggang tingin nalang ako.
Aisssshhh!!!!!
Sinundo ako ni Zoe. nag-alala kasi siya na baka may masamang tao nanaman sa jeep, at may hawak na kutsilyo o baril.
"Kamusta ka? Yung sugat mo?" tanong niya agad nung nakapasok ako sa sasakyan niya.
"Okay na, masakit konti pero kaya naman."
"Dinala mo ba yung gamot mo?"
"Yeah."
Nung dumating kami sa school inalalayan niya kong maglakad papunta sa gym. Kaya ko ng maglaro pero siguro hindi matagal. Ang alam ni coach may sakit pa ko, pero sasabihin ko na yung totoo mamaya.
Pagdating namin sa gym kinamusta ako ng mga team ko. Sila Sophia at Min hinag nila ako at ARAY!!!!!!!
"Op. Op. Op." pinalayo ni Zoe sila Sophia at Mina sakin. Alam na nila na nasaksak ako. Syempre sinabi ni Zoe na na hold up ako dahil yun yung sinabi ko.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Sophia.
"Yang sugat mo? Masakit ba?" si Mina.
"Nahuli na ba yung gumawa sayo niyan?" si Sophia.
"Nakakulong na ba siya." si Mina.
Nagpabalik balik yung tingin ko kay Sophia at Mina. buti nalang pinigilan ni Zoe yung dalawa at umupo na. Nung dumating yung mga coach hindi ata ako napansin ni coach. Nung mag start na yung practice lumapit ako sa kanya para kausapin siya.
"Coach." tawag ko sa kanya.
"Oh Claire, hindi kita napansin kanina. Kamusta pakiramdam mo? Wala ka na bang lagnat?"
"A-ah ang totoo niya'n coach. Wala naman po talaga akong sakin."
Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ang totoo po coach...nasaksak ho ko."
"What!?" binaba niya yung tingin niya sa kamay ko na hawak ang side ng tiyan ko. "Oh my god! Ba't hindi mo sinabi sakin? Kamusta ka?"
"Okay na po coach."
"Ano bang nangyari?"
"Na hold up po ko sa jeep at sinaksak."
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...