Chapter 19 Acquaintance Party

500 21 0
                                    




Claire's POV


🎶  I love you so by Toni G 🎶


Nung magsimula na ang kanta marami narin sumasayaw. Sumasayaw narin si Sophia kasama yung partner niya si Ivan isang basketball player. Ang dami ding nag-aaya sakin, minsan tumatanggi ako dahil nahihiya ako.


"Sana yayain ako ni baby Keith." malungkot na sabi ni Mina.


"Ako rin si Dom." bumuntong-hininga si Zoe.


"Hay naku ba't kasi hindi nalang kayo ang yumaya, edi tapos." masama nila kong tinignan.


"Kung ganun kadali edi nagawa nanamin." si Zoe.


"Tss!"


Napalingon ako sa gawi nila Zac. parang nadurog ang puso ko nung makita ko sila papunta sa dance floor. Niyakap ni Rhian si Zac sa leeg niya. Hawak naman ni Zac ang bewang ni Rhian.


"Gusto niyo tulungan ko kayong makasayaw yung mga crush niyo?" sabi ko.


Tinaas nila ko ng kilay. "Paano?" silang dalawa


"Akong bahala."


Tumayo ako at naglakad na palapit sa table nila Keith.


"Uy Claire...ba't naparito ka sa table namin yayayain mo kong sumayaw?" bungad agad sakin ni Keith.


" Hind, kasi pwede mo bang isayaw si Mina?" deretcho kong sabi.


Bigla naman siya namula. "S-sure." tumayo siya at parang nahihiya pang naglakad palapit kay Mina.


"Ikaw din Dom." nilingon ko siya.


"H-ha? Ako?" turo niya sa sarili niya.


"Oo, sayaw mo rin si Zoe."


Tumayo siya at naglakad na papunta kay Zoe. hay naku! Ako talaga ang cupid dito. Samantalang ako wala! Nganga!


Iba na ang song ngayon. Umupo na ko dahil mukha naman akong tanggang nakatayo sa table nila Zac. umupo narin sila Zac at Rhian.


Nilingon ko sila at nagtama ang paningin namin ni Zac agad naman akong umiwas ng tingin.


Nung bumalik na sila Zoe sa table sobrang kinikilig sila at namumula pa ang mga pisngi nila.


"Huy ikaw naman." sabi ni Zoe.


"Anong ako?"


"Sumayaw."


"Kanina pa ko sumasayaw, tsaka wala naman nag-aaya."


"Hay naku edi tanungin mo si Mike."


"Psh!"


Nilingon ni Zoe ang table nila Michael na sa likod lang namin sila.


"Huy, Mike sayaw mo naman tong kaibigan ko!" sigaw ni Zoe.


"Uy!" tukso ng mga kaibigan ni Michael.


"Shut up."


"Tss!" hindi ko sila nilingon. Ganun nalang yung gulat ko nung na sa tabi ko na pala si Michael nakatayo.


"Can I have this dance?" inilahad niya ang kamay niya.


"Ayieeee!" silang lahat.


Kinuha ko naman yung kamay niya at naglakad na kami papunta sa dance floor.


🎶 It might be you - Daniel Padilla 🎶 


"H-hindi ako marunong sumayaw." bulong ko. Natawa naman siya.


"Magaling kang sumayaw pero pag slow dance hindi mo alam." nahihiya ko siyang tinignan.


Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay yun sa likod ng leeg niya tsaka niya ko niyakap sa bewang ko at sumayaw na.


Nag-iwas na ko ng tingin dahil naiilang na ko. Pero hindi niya inalis ang paningin sakin.


"You look beautiful." bulong niya. Napalingon ako sa kanya.


"Ikaw rin ang gwapo mo...Em Em" natawa ako. He rolled his eyes. Nung bata kasi kami Em Em ang tawag ko sa kanya. Edric Michael kasi ang pangalan niya kaya Em.


Tinignan ko ang paligid, lahat sila nakatingin samin kahit si Zac.


"Nahihiya ka ba?" tanong niya.


"Paano ako hindi mahihiya kung tayo lang yung sumasayaw. Tingnan mo naman sila nakatingin lahat sila satin." tumawa siya.


"Just look me in the eye. At isipin mong tayo lang ang nandito."


'"Eh tayo lang naman talaga ang sumasayaw ha."


"Hahaha! What I meant is just the two of us in this room."


Diba dapat kiligin ako sa sinabi niya pero bakit wala akong naramdaman? Siya yung kasama ko ngayon pero bakit si Zac ang iniisip ko?


"Muling ibalik ang tamis ng pagibig..." napalingon kami ni Michael sa mga kaibigan niya at kaibigan ko dahil kumakanta sila!


"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal...Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig....Sayang naman ang ating nakaraan." tuloy nila. Lahat tuloy ng mga estudyanteng nandun sumabay din. Tumawa naman kami ni Michael.


Zac's POV


Napalingon kami sa mga kaibigan ni Mike nung kumanta sila. Sobrang lakas, mas malakas pa sa music. Pati yung ibang estudyante nakikikanta.


"Ang sweet nila no!?" si Lora.


Nilingon ko sila Claire at Mike tumatawa sila habang tinitignan ang mga kaibigan nila.


"Ba't sila kumakanta ng 'umuling ibalik ang tamis ng pag-ibig'?" tanong ni Keith.


"Hindi niyo ba alam?" lahat kami ay napalingon kay Lora. "Ex ni Mike si Claire." tuloy niya.


Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sakit na hindi ko maipaliwanag. Ex ni Mike si Claire? Parang ayaw tanggapin ng tenga ko ang narinig ko...mas lalo na yun puso ko.


Ano ba ang nangyayari sakin? Nahuhulog na ba ko sa kanya?


"What!?" si Dom at Keith.


"Yeah, well naintindihan ko na hindi niyo alam kasi naging sila sa dati namin school. Sila kaya yung famous at favorite na couple dun sa old school namin. Nung nga nag break sila parang buong school nasaktan dahil sa nangyari. Ang sabi sabi pa nga nung lumipat dito si Mike sinundan siya ni Claire." kwento ni Lora.


"Wait...so you're saying naging sila!? Tapos break na?"


Kaya nga ex diba Keith!


"Oo. tapos ngayon parang magkakabalikan na sila. Tingnan niyo naman sila oh. Makikita mo talaga sa mga mata nila na mahal pa rin nila ang isa't isa."


Napalingon ako kina Michael at Claire.


"Wala...wala akong gusto sa kanya."


Parang nagpaulit ulit yung sinabi sakin noon ni Claire sa ulo ko.





To be continued.....

𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon