Claire's POVNalate ako ng gising kaya kumuha nalang ako ng apple para kainin ko sa jeep. Tinitignan ko yung phone ko habang tumatakbo at kinakain ang apple. ARAY! Ang sakit ng sugat ko!!!!! Na sa parking lot na ko ng school, tinignan ko ang oras ulit sa phone ko at... BOOM!
Nabangga ako sa isang lalaki. Nahulog ko tuloy yung apple ko! Isa lang yung kagat ko yun eh!!!
"Hala yung apple ko!" para akong batang malungkot na nahulog ang pagkain sa lupa.
"Claire!?" nilingon ko si Keith. Masama ko siyang tinignan! Kasama niya sila Dom at Zac, pati si Rhian.
Nagbaba siya ng tingin sa nahulog kong apple. "Hala sorry." tumingin siya sakin.
Sasabihin ko sanang 'okay lang' pero tumunog ang phone ko.
From: Zoe
San ka na!?
"Fuck!" pinulot ko yung apple sa lupa at tinapon sa basurang nandun. Tumakbo ako papunta sa gym. Narinig kong tawagin ni Keith yung pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin.
Nung nakarating na ko sa gym buti nalang may kausap si coach. Hindi niya ko napansin, tumakbo agad ako papunta kina Zoe. hingal na hingal ako at ang sakit ng sugat ko!
"Ba't pawis na pawis?" tanong ni Zoe.
Nakita niya nga akong tumakbo papunta dito tatanungin niya pa. Pinunasan ko yung noo ko. Oo nga pawis na pawis ako, para na kong naligo!
"Tumakbo ako." sagot ko.
Pinalo ako ni Zoe sa balikat. Aray ko ha!
"Diba sabi ng doctor wag ka munang tatakbo!" pinagalitan niya ko.
"Eh mala-late na ko eh. Tatakbo din naman ako kung nalate ako."
"Kahit na. Tsaka alam naman ni coach kaya hindi ka niya patatakbuhin."
Napalingon ako sa ibang bleachers wala ata yung mga basketball players. Wala ba silang practice? Or di kaya sa labas sila ng pra-practice?
Nung dumating na si coach nagsimula agad kaming mag exercise bago kami maglaro. Syempre palagi akong nagpapahinga dahil masakit pa yung sugat ko pero mas okay na ngayon. Nung tapos na kaming mag-practiced pumunta na kami ni Zoe sa class ni Ms. G.
Marami ang na late kaya ayon galit na galit si Ms. Minchin at pinag quiz kami. Ang daya nga eh kasi most of the questions hindi pa namin pinag-aaralan!
DISCUSSED
DISCUSSED
DISCUSSED
LUNCH
Pagdating namin ni Zoe sa canteen nakabili na ulit sila Sophia at Mina. at fruits nanaman yung binigay nila sakin!
"Ayoko na ng prutas! Hindi naman ako nabubusog eh." reklamo ko.
"Wag ka nga'ng mag-inarte diyan buti nga may pagkain ka!" sumbat sakin ni Sophia.
"Bahala kayo bibili ako ng iba!"
Pinigilan nila ako pero hindi ko sila pinansin. Habang nasapila ako naramdaman kong mag-vibrate ang phone ko.
From: UNKNOWN
Don't buy anything. Eat fruits for lunch!
Siya nanaman! Tsaka teka nga, paano niya naman nalaman na bibili ako. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Lahat naman sila busy. Yung may hawak lang ng phone ay puro babae.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...