Zac's POV"Okay since kakareview lang natin ng topic na yun, maglabas kayo ng paper at mag qu-quiz tayo!" sigaw ni Mr. K
"Ano ba naman yan." bulong ni Keith. "Huy, Dom pahingi papel." tuloy niya.
Bumuntong-hininga si Dom tsaka niya binigyan ng papel si Keith.
"Ang yaman yaman mo tapos wala kang papel!" bulong ni Dom.
"Mas mayaman ka tol." tugon ni Keith. Napangisi ako.
"Okay pass--" natigilan si Mr.K dahil may kumatok sa pinto.
Naglakad siya papunta dun, hindi ko alam kung sino yun dahil hindi ko naman makita.
"Ikaw na naman!" sigaw ni Mr.K
"Sino kaya yun?" tanong ni Keith.
"Pinabibigay ho ni Ms. G." sabi ng babae.
Parang pamilyar yung boses niya.
"Come in." sabi ni Mr. K
"Wag na ho." sagot ng babae.
"Isasara ko ang pinto dahil sayang ang aircon."
"Eh di isara niyo ho."
Tss! Pilosopo. She reminded me of...
"May ibibigay ako sayo!" sigaw ni Mr. K
Nung pumasok ang babae, I was right si Claire nga. Nagtama ang paningin namin pero napalingon kami sa mga kaibigan ni Michael nung sumigaw sila.
"Tama ka nga bro! Parang magkakilala sila Claire at Michael. Tignan mo yung mga tropa ni Michael parang close nila si Claire." bulong ni Keith.
Hindi ko na ulit pinansin si Claire. Nagsulat nalang ako sa papel ko ng name, date at kung ano ano pa.
"Wala pa daw tapos sa quiz niyo. Bakit ilang items ba ang quiz niya?" tanong ni Mr. K. nilingon ko naman si Claire.
"3-300 ho." tugon niya.
Tinignan ni Mr. K yung relo niya. "And you're done within 45 minutes? Impressive."
"Wow, ang galing pala ng 'ex' mo pare." bulong sakin ni Keith. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Sige, Mik--"
"Hindi na ho sir. Ako na ho." nagsalita si Claire tsaka niya binuksan ang pinto. "Sige ho sir." paalam niya tsaka niya sinara ang pinto.
"Bastos talaga ng batang yun." sabi ni Mr. K
DISCUSSED
DISCUSSED
DISCUSSED
DISCUSSED
LUNCH
Pagdating namin sa canteen nagtilian nanaman ang mga babae at bakla. Nilingon ko ang table nila Claire, sila Zoe lang ang nandun.
Hindi parin ba siya tapos? Ang tagal naman. ganun ba karami ang hahanapin niyang libro?
Tapos na kaming kumain wala parin si Claire. Tinignan ko ang oras at malapit ng mag bell.
Hindi siya kakain ng lunch? Or nakakuha na siya ng lunch niya kanina at dun siya sa library kumain.
"Zac." nangibabaw ang boses ni Rhian. Nilingon ko siya.
"Are you okay?" tanong niya.
"Yeah." maikling tugon ko.
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Kakagaling niya lang sa sakin tapos pinababayaan niya ulit ang sarili niya.
Tumayo ako. "San ka pupunta?" tanong ni Keith, lahat sila nakatingin sakin.
"A-ah C.R lang." tugon ko tsaka naglakad paalis dun.
Nung pumasok ako sa library, sobrang tahimik at konti lang ang tao. Hinanap ko si Claire pero hindi ko mahanap, paglingon ko sa kanan napatigil ako nung makita ko siya.
Pumunta ako kung nasan siya. Sumandal ako sa mga libro at pinanood ko siyang abutin ang libro.
Huminto siya, hingal na hingal.
"Pati ba naman ikaw, mahihirapan akong maabot!? Paasa karin eh no!" sabi niya at masamang tinignan ang libro.
Tss! Sinisisi niya talaga ang libro.
Napangiti ako nung abutin niya ulit ang libro. Ang cute niya at nakakatawa yung itsura niya.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan ng kunin ang libro. Nahawakan ko ang kamay niya'ng na sa libro. Naramdaman ko'ng bumaba ang mga balikat niya.
Nung nakuha ko na ang mga libro, tinignan ko kung ano yun.
'CHEMISTRY'
Lumingon siya sakin pero hindi ko siya tinignan dahil busy parin ako sa pagbasa sa libro. Nung matapos na ko nilingon ko siya. Nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata niya, naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
She's so cute and innocent.
"Is this what you need?" I asked
Matagal niya kong tinitigan bago siya sumagot.
"Y-yeah." sagot niya.
Ang lapit namin sa isat isat, isang galaw niya lang mahalikan ko na ang noo niya.
Umalis na ko sa harap niya at nilagay ang hawak kong libro sa cart. Dun lang ako napangisi.
Nilingon ko siya tulala parin siya at hindi gumagalaw.
"Yun lang ba?" tanong ko. Agad niya kong nilingon.
"H-ha?"
"Yun lang ba ang kailangan mo?" paguulit ko.
"A-ah hindi yun pa." tinignan ko ang mga tinuro niya.
Bumuntong-hininga ako tsaka ko kinuha ang mga librong tinuro niya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko. Nakatalikod ako sa kanya.
"Paano ako makakakain kung kanina pa ko nandito." tugon niya.
Nilingon ko siya. Tumitig ako sa mga mata niya. Bigla akong nailang nung titig na titig siya sa mga mata ko.
'Grooo' binaba ko ang tingin ko sa tiyan niya. Hinawakan niya.
Ngumisi ako tsaka ko siya tinignan sa mukha.
*BELL*
"Really!" inis na sabi niya tsaka nag pout. Ang sama ng tingin niya sa speaker.
Pati ba naman speaker galit ka.
"Sige mauuna na ko." lumapit siya sa cart. "Kita nalang tayo mamaya, bye." paalam niya tsaka umalis na.
Pinanood ko siyang maglakad pero bumagal ang paglakad niya at huminto. Nilingon niya ko at nagtama ang mga mata namin.
"Thank you...ZK." nakangiti niyang sabi tsaka siya umalis.
ZK? Did he just call me ZK?
Napangisi ako. "See you later...Rehina." bulong ko.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...