Claire's POVKINABUKASAN
Maaga ulit ako nagising dahil may practice ulit kami. Mainit parin ako pero bumaba na naman konti. Susunduin ako ngayon ni Zoe kaya nakakain ako ng breakfast.
"Good morning." bati ko sa kanya nung makasakay ako sa sasakyan niya.
Agad naman niya kong niyakap. "Bes..." bumitaw na siya. "Ano ayos ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba pakiramdam mo?" dere-deretsong mga tanong niya.
"Mainit parin ako pero ayos na." sagot ko, tsaka ako nag seat belt.
"San ka ba kasi kahapon?" tanong niya, na sa daan na kami papunta sa school.
"Ah kailangan ko lang mag-isip isip." tugon ko.
"Nakausap mo na ba mga magulang mo." nahihiyang tanong niya.
Nilingon ko siya, at nilingon niya din ako tsaka ako umiling.
"Hindi pa, at mukhang last ko na silang makakausap kahapon. Tinakwil na nila ko eh." malungkot na sabi ko.
Bigla naman nag preno si Zoe at gulat na tumitig sakin. "What!?" sigaw niya.
BEEP! BEEP!
"Zoe!" sigaw ko. Nagsimula na ulit siyang mag drive.
"What!? Totoo ba ang sinabi mo!?" hindi parin siya makapaniwala.
"Hindi joke lang." sarkastikong tugon ko.
Masama niya kong tinignan. "Wag ka ngang magbiro."
"Eh kasi ikaw eh, bakit naman ako magbibiro ng ganun." tugon ko
"So totoo nga."
Inulit pa talaga ha!
"Oo nga, paulit ulit!?"
"So pano ka na niyan?" malapit na kami sa school.
"Meron pa naman akong naipon na pera ko. Pera ko hindi pera nila." nakangusong tugon ko.
Pagdating namin sa parking lot ng school napangiti agad ako nung makita sila Zac at ang mga kaibigan niya, pero mas napangiti ako nung makita sila Sophia at Mina.
Nag park si Zoe sa harap nila. Pagbaba ko agad akong ngumiti sa kanila. Nakita kong napahinto sila Zac at tinignan ako.
"Bakla!" sigaw ni Mina at tumakbo papalapit sakin at niyakap.
"Bakla sorry." bulong ni Mina.
"Ako dapat nag so-sorry eh." bulong ko.
Pagkatapos akong yakapin ni Mina si Sophia naman ang yumakap sakin.
"Bes, miss you!" naluluhang sabi niya.
"I missed you too Sophia." bulong ko.
"Tara na baka ma late pa tayo." singit ni Zoe. napangiti naman ako.
Hindi ko na nilingon sila Zac dahil akbay ako nila Sophia at Mina. pagdating namin sa gym wala pa ang mga kasama namin.
"Huy, sorry talaga, babawi ako." nakangusong sabi ko kina Sophia at Mina.
"Hay, naku alam mo ba shini ship ko na kayo ni Zac. ang super sweet nyo kaya pag magkasama." sabi ni Sophia. ngumiti naman ako.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...