Chapter 24 - I'll take care of you

559 31 0
                                    




Claire's POV


Paggising ko sa umaga si Zac ang unang pumasok sa isip ko. Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Kailan kaya siya madi-discharge sa hospital?


Nung dumating ako sa school nakita ko sila Keith at Dom pero wala si Zac.


"Keith. Dom." tawag ko sa kanila. Nilingon naman nila ako agad.


"Claire!" niyakap ako ni Keith at nagpanggap na umiiyak. "Salamat! Kung hindi ka dumating wala na kami! Huhuhu!"


"Oo na. Oo na. Bitawan mo na ko." bumitaw naman siya.


"Thanks Claire." si Dom, tinanguan ko naman siya.


"Si Zac? Kamusta siya?"


"Ayieeee. Bakit? Nag-aalala ka?" si Keith.


"Hindi! Ang saya saya ko nga eh na binugbog siya." pilosopong tugon ko. Ngumuso naman siya.


"Okay na siya, na sa mansyon nila." sagot ni Dom


"Mabuti naman kung ganun. Eh kayo kamusta?"


"Ayieeee! Bakit concern ka samin? Sakin?" si Keith.


"Ewan ko sayo!" tinalikuran ko sila.


"Huy saglit lang!" inakbayan ako ni Keith.


PRACTICED

CLASS


"Huy bes sa tingin mo magugustuhan ni tito ang relo?" tanong sakin ni Zoe.


"Bakit, yun ba gift mo kay Dad?"


"Yeah."


"Yeah, mahilig siyang mangkolekta ng mga relo."


"Sige yun na lang bibilhin ko mamaya. Eh ikaw? Anong gift mo?"


"Mukha ko." tumawa siya.


"Baka mas lalong magalit si tito." biro niya.


"Tss! Ayaw niya naman ng gifts eh. Gusto niya yung siya yung bumibili."


"Oh well, sabagay."


DISCUSSED

DISCUSSED

DISCUSSED

LUNCH


"Ah guys pwede ba namin hiramin si Claire saglit?" si Keith. Kumakain na kami ngayon. Tumango naman silang tatlo.


Hinila ako ni Keith papunta sa table nila. May hawak hawak akong sandwich, peste kumakain ako eh!


"Bakit?" tanong ko. Na sa harap ko silang dalawa ni Dom.


"Paano mo kilala si Piggy?" tanong ni Keith.


"Ini-imbestigahan niyo ba ko?" kumagat ako sa sandwich ko.


"Guys." napalingon kami kay Rhian at Lora.


"Rhian." si Keith.


Nilingon ako ni Rhiah bago nagsalita. "Asan si Zac? Bakit hindi siya pumasok ngayon?"


"A-ah...meron daw silang pinuntahan ng mommy niya." pagsisinungaling ni Keith.


Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang ng sandwich.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon