Claire's POVNakalipas na ang tatlong araw. Hindi ko na masyadong nakakausap si Zac, nakikita ko lang siya pag practice at lunch. Minsan nagkakasalubong kami sa parking pero hindi kami ng h-hi sa isat isa sa mga kaibigan niya lang. Palagi niya rin kasama si Rhian. Lunch at mukhang hatid sundi rin.
Sabado ngayon, ngayon kami pupunta ni Micahel sa Laguna.
Umiinom ako ng tubig nung mag vibrate ang phone ko.
From: Michael
I'm outside.
To: Michael
Sige, labas na ko.
Paglabas ko nakasandal si Michael sa sasakyan niya. He's wearing a brown short and black t-shirt. He's also wearing sunglasses and a silver watch.
I'm wearing jeans and a floral chiffon blouse. My hair is in loose plait at pinatong sa isang balikat ko.
"Let's go." naglakad siya papunta sa shotgun seat at pinag buksan ko.
"Thanks." tugon ko tsaka sumakay na sa sasakyan niya.
Matutulog daw kami dun, bukas kami uuwi para makapag pahinga si Michael sa pag dr-drive.
Binaba ko ang bintana at pinikit ang mga mata ko.
"I remember nung una tayong mag road trip." rinig kong sabi ni Michael.
Nilingon ko naman siya. Natawa ako habang inaalala nung una kaming nag road trip.
"We went to Batangas, dahil gustong gusto mong mag hiking."
"Tss. ako lang ba? Diba ikaw rin naman." aniko.
Tumawa siya. "Umiyak ka pa nga noon eh." natatawa niyang sabi
"Eh ang ganda ganda ng scenario, paano ka hindi maluluha." natatawang tugon ko. "Naaalala ko parin ang magandang tanawin." tuloy ko.
"Ako hindi..." nilingon ko siya. "Ikaw lang kasi ang tinitignan ko nun." nilingon niya ko ng mabilis tsaka ulit tumingin sa harapan.
LUNOK
Umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas.
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.
Nagising lang ako nung may gumagalaw sakin. Pag mulat ko na sa harapan ko na si Michael. Na sa labas siya ng sasakyan naka tayo sa harap ko.
"Nandito na tayo." bulong niya.
Nung bumaba kami na sa parking na kami ng mansyon nila.
"Asan si Kath?" tanong ni Michael nung nakapasok kami sa loob ng bahay nila.
"Kuya!?" nangibabaw ang boses ni Kath.
Tumingala kami ni Michael sa taas ng hagdan.
"Ate Claire!" sigaw niya. Tumakbo siya pababa sa hagdan at si Michael muna ang niyakap niya.
"Hey! Kath." bati ni Michael.
"What are you guys doing here!?" excited niyang tanong.
"Para sopresahin ka." tugon ko.
Lumapit siya sakin at niyakap. " I missed you ate Claire."
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...