Chapter 26 - I think, I like you

502 27 0
                                    




Zac's POV


"Uy Kairo, bro!" bati sakin nila Dom at Keith. Pumasok na ko ngayon dahil okay naman na ang pakiramdam ko.


"Kamusta pakiramdam mo tol?" tanong ni Dom.


"Okay na." maikling sagot ko.


Pumasok na kami sa loob, nung dumating kami sa gym nagtilian yung mga volleyball players. Hinanap ko si Claire pero wala pa siya.


"Bro!" sabay ng mga ka team ko.


"Welcome back." nakipag fist bump ako kay Ivan.


"Ano? Away pa more." tumawa siya.


"Loko!" binatukan ko siya.


Umakyat kami sa bleachers at umupo sa taas.


"Buti pumasok ka na!" siniko ako ni Keith.


"Bakit? Miss mo ko?" biro ko

"bakla!" tumawa kami ni Dom.


"Alam mo bang ang kulit ng ex mo!" bulong sakin ni Keith.


Sinong ex? Ah siya...


Bumuntong-hininga nalang ako.


"Tsk! Tsk! Akala ko talaga katapusan na natin nung gabing yun." si Keith.


"Buti nalang dumating si Claire." tuloy niya.


Speaking of her...nilingon ko yung gawi nila Zoe pero wala pa siya. Tinignan ko yung relo ko. Asan ba siya? Mala-late na siya.


"Paano pala kilala ni Claire yung tabatchuy na yun?" tanong ko.


Alam kong tinanong na ni Keith si Claire tungkol dun.


"Sabi niya kaklase daw niya sa old school niya at frenemy daw sila." kwento niya.


"Eh sila Miah?" tanong ko.


Kilala ko sila. Pero gusto ko lang malaman kung ano ang connection nila kay Claire.


"Kaibigan daw ni Claire." sagot ni Dom.


What? Kaibigan niya yung mga yun? Paano? bakit!?


"Huy ba't parang nagmamadali si Zoe?" si Keith.


Nilingon ko naman si Zoe. tumatakbo siya pababa sa hagdan at tumakbo palabas ng gym. Ano kayang meron?


"Welcome back Rodriquez." si coach.


"Thanks coach." tugon ko.


Nagsimula na kaming maglaro pero wala parin si Claire at si Zoe hindi pa bumabalik. Ano kayang nangyari sa dalawang yun?


Pagkatapos ng practiced dumertcho na kami sa classroom. Nagsulat lang kami ng kung ano ano. Hindi parin ako mapakali sa kakaisip sa kanya. Dumating na ba siya? Nandito na ba siya? Aisssshhh! Ano bang nangyayari sakin!?


DISCUSSED

DISCUSSED

DISCUSSED

LUNCH


"Zac!" napalingon ako kay Rhian.


Nakalimutan ko classmates pala kami. Dahil sakakaisip sa babaeng yung hindi ko namalayang lunch na pala.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon