Chapter 9 - Worried

612 22 1
                                    




(AUTHOR'S NOTE- hindi po ako magaling mag spanish, google translate lang po kaya kung mali po sorry.)


**************


Claire's POV


KINABUKASAN


Paggising ko ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa loob ako ng kwarto ko.


The last thing I remember...I was talking to Zac then I lost consciousness after that.


Kinuha ko ang phone ko sa side table para tignan ang oras.


5:00 am


"Oh shit, late na ko sa practice!" Sigaw ko


Nag short ako at ang jersey namin. I put my hair in a high ponytail. Hindi na ko nag almusal.


Pagdating ko gym buti nalang wala pa yung mga coach pero yung basketball at volleyball ay nandoon na.


Tumakbo ako papunta sa inuupuan nila Zoe. muntik na nga kong mahulog sa hagdan paakyat sa bleachers.


"Huy, ba't late ka?" tanong agad ni Zoe sakin pagka upo ko sa tabi niya.


"Long story." tugon ko.


"Anong nangyari kagabi? At bakit ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" sunod sunod na tanong ni Zoe.


"Mamaya ko na kwento." bulong ko.


Nilingon ko sila Sophia pero iniwas agad nila ang paningin sa akin at kunwaring busy sila sa paguusap.


"Ba't ang lamig dito?" bulong ko kay Zoe.


"Anong malamig? Sobrang init nga eh. Huy baka may lagnat ka." hinawakan ni Zoe ang noo ko. "Hala bes ang init mo!" tuloy niya.


Hinawakan ko rin ang noo ko at mainit nga ko.


Tumahimik narin kami dahil dumating na ang mga coaches. Habang naglalaro kami nahihilo ako pero hindi ko yun pinansin.


"Claire upo ka muna." sigaw ni coach.


Sinunod ko naman siya at umupo ako. Kinuha ko ang tubig ko sa bag at uminom.


"Ayos ka lang ba?" tanong ni coach.


"Ayos lang coach." sagot ko.


"Kanina ko pa kasi napapansin na parang nahihilo ka." umupo siya sa tabi ko.


"Masama po kasi pakiramdam ko coach." sagot ko.


Hinawakan niya ang noo ko. "Ang init mo, pumunta ka muna sa clinic."


"Hindi na po coach, okay lang po ako." sagot ko.


Magsasalita pa sana si coach pero tinawag ng coach ng basketball si coach.


Pagkatapos ng practice nagpalit na kami ng uniforms. Hindi parin ako kinakasap nila Sophia at Mina.


Pagdating sa classroom nag-aalala parin si Zoe.


"Huy, punta ka na clinic." pagpupumilit niya.


"Ako'y lang ako Zoe." actually my head is really hurt. Kahit igalaw ko lang ng kaonti nahihilo na ko.


"Ang tigas talaga ng ulo mo!" pinagalitan niya ko.


"Tss."

"Ano pala nangyari sa manyon kagabi?" pag-iiba niya.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon